Tula
Masarap balikan, alaala ng nakaraan,
Mga karanasan, noong kabataan;
Hindi mawala-wala sa isipan,
Dala natin, hanggang katandaan.
First love kung tawagin natin,
Hindi naman alam ang ibig sabihin;
Basta daw hindi makakain,
Tighyawat sa ilong ay meron din.
Pagmulat ng mga mata sa umaga,
Ngiti sa labi ay nanduon na;
Kumukutitap ang mga mata,
Puso ay tumitibok-tibok pa.
Sa mga gawain ay masigla,
Hindi na kailangang utusan pa;
Magaan sa pakiramdam di ba?
Minsa’y napapatakbo pa.
Sa iba’y isang inspirasyon,
Nakakatulong sa edukasyon;
Minsan nama’y 'di alam ang solusyon,
'Di alam ang gagawing aksyon.
Unang pag-ibig nga ba’y mahirap kalimutan?
Ito ba’y nakatatak na sa ating isipan?
Na maraming taon man ang magdaan,
Mananatili pa rin ito sa puso… magpakaylanman.