Dalawampung Taon

notesnikiko.com Mga Tula ni Babyluv

Tula

Bata pa ako, sa nakalipas na panahon,
Tandang-tanda ko pa, duon sa aming nayon;
Sa eskwelahan, kung saan nandoon,
Siya at ako, ay naging mag-on…

Kaunting araw, ang aming pinagsamahan,
Sapagkat siya, ay mauunang lilisan;
Sa kabaitan, hindi mapapantayan,
Respeto, ako ay kanyang inalayan.

20 years

Nineteen ninety one, nang siya’y abutan,
Ako’y second year, high school naman;
Medyo 'di alam, relasyong pinasukan,
Hindi pa kasi malawak, ang aking isipan.

Sa puso ko, tunay na siya ang laman,
Unang lalaking, aking hinangaan;
Hinding–hindi, makakalimutan,
Dito sa puso’y, matagal iningatan.

Nakalipas, ang halos dalawampung taon,
Hindi man nagkasama, dala ng pagkakataon;
Walang linaw, ang naging sitwasyon,
Pinagtagpo pa rin, kami ng panahon.

Ligaya ko’y, halos walang pagsidlan,
Nang siya’y, aking unang pagmasdan;
Makisig pa rin, ang pangangatawan,
Tulad pa rin, ng una kong masilayan.

Tila isang anghel, sa kalangitan,
Na bumaba, para ako’y gabayan;
Sa lahat ng bagay, lagi akong inalalayan,
Sa mga lakad, ako’y kanyang sinamahan.

Natagpuan siya, ng 'di inaasahan,
Sana habangbuhay, ako’y samahan;
Tanging hiling ko’y, ikaw lamang,
Hindi ko hahayaang, ako‘y muling iwanan.

Ang nakaraan, muling nadugtungan,
Dahil kahit kailan, 'di siya nawala sa isipan;
Parating sa dalangin, ay laman,
Ako naman’y, Kanyang pinakinggan.

Umalis man ako, ay asahang magbabalik,
Sa puso at isip mo’y, iyong isiksik;
Ang dalawampung taon ay iwaglit,
Dahil akin ka na, sa aking pagbabalik.