Pag may Ulan, May Pag-asa

Nakatingin sa malawak na bukirin,
Malalim ang kanyang isipin;
Ulan kailan ka darating?
Diligin mo ang tuyong damdamin.

Sa ulap palaging nakatanaw,
Sa haba nitong sikat ng araw;
Puso niya'y laging namamanglaw,
Sa ulan gustong magtampisaw.

Tuyong lupa sa kanyang harapan,
Pagpapagulo pati sa isipan;
Pag-asa, kailan masusumpungan?
Tanging mithiin sa kanyang palayan.

Magsasaka ay nangangamba,
Sa kanilang tanim lamang umaasa;
Nawa'y umulan pagsapit ng umaga,
Dalangin sa Diyos sa tuwi-tuwina.

'Pag may ulan may pag-asa,
Ang kanyang matibay na paniniwala;
Tunay ba o isang haka haka?
Ulan na tanging Diyos ang may gawa.

pag-asa hatid ng ulan