Sa Likod ng mga Ngiti

Sa tuwing mamasdan ko ang iyong larawan,
May kung hindi maipaliwanag akong nararamdaman;
Bagaman't bago tayong magkaibigan,
Ang itsura ng iyong mukha, ako'y naapektuhan.

Sa likod ng mga ngiti,
May nakaraang ikinukubli;
Sa bawat luha at hikbi,
Ang sakit at kirot ay nananatili.

Bakas ng kahapong hindi maalis-alis,
Tila lumang damit na palaging bihis;
Hapdi ng pusong naghahanap ng pag-ibig,
Hanggang sa pumanaw ay inuusal ng bibig.

Mga ala-alang kusang nagbabalik,
Kailan ba ako nakaramdam ng halik;
Pusong sa pag-ibig ay manhid,
Sa iyong mga mata ay aking nabatid.

Ngayong alam na alam mo na,
Na para sa iyo itong aking tula;
Ang nais ko sana, ikaw'y lumigaya,
Kalimutan ang kahapong puno ng dusa.

Hindi madaling lumimot,
Sambit mong sabay kamot;
'Pag sinimulan mong naka simangot,
Mga kawawang bata ang masasangkot.

Kalimutan ang nakaraan,
At harapin ang katotohanan;
Pag-ibig na sa iyo'y ipinagkait,
Ibahagi sa iba nang walang kapalit.

Makakaramdam ka ng kakaibang saya,
Na nagmumula sa kaluluwa;
Itsura mo ay lalong gaganda,
At magmumukha kang bata.