Sandaling Panahon

Tula

Sandaling panahong napahinga,
Na-miss lahat ng mga linya;
Sinubukang muling magtipa,
Salamat at kahit paano'y gumana pa.

Paumanhin po sa mga mambabasa,
Ang inyo pong lingkod ay naging abala;
Medyo sakit ay dinapuan pa,
Kaya panandaliang napahinga.

Kahit naman walang bagong likha,
Hindi nakakalimot sa madla;
Inaabangan gawa ng kikong makata,
Kung saan syang nagturong tumula.

Ngayong hindi na muling abala,
Akda ako'y muling nakapagsimula;
Maraming salitang nais ilathala,
Salamat sa inyong hindi nagsasawa.

Sa panahong hindi nakabuo ng tula,
At palaging abala sa mga bata;
May konting luha sa mga mata,
Sapagkat paglikha'y minahal na...

notesnikiko.com Mga Tula ni Babyluv