Sisidlan

Pepe : Ayan, tapos nang magdasal si bosing. Pinatay na ang ilaw, pwede na tayong mag-usap. Kumusta ka na swit?

Swit : Eto sweet pa rin!

CM : Kinda! (Jealous)

Swit : Huu, selos ka lang eh, pa'no bihira kang isama ni bosing kay Pepe, bhe!

Pepe : Psst. tama na yan, sweldo na naman at kita nyo naman, lahat tayo maligaya kasi madami na naman tayo.

Tom : Oo naman, kahit ako sobrang mahal, can afford pa rin si bosing na bilhin ako.

Pepe : Yabang mo Tom!

Tom : Ka Pepe, tuwing umaga ka lang naman kinakausap ni bosing, ako 3 times a day

Pepe : Oo nga, kaya malaki tumbong mo (Big-ass)

Swit : Teka, Teka, Teka. May chika ako. Nakita ko 'yong remittance ni bosing, nakapagpadala na s'ya.

CM : Really? Ganen?

Swit : Huu pasusyal ka pa CM, oo ganun nga.

Pepe : Kung nakapagpadala na s'ya tapos nabili n'ya pa ang mga kailangan nya, madami na siguro syang pera?

Tom : Siguro may sugar mommy si bosing. Sana chika babes!

Pepe : Quite! Quite!

Swit, Tom : Bakit Ka Pepe?

Pepe : Bumukas ang ilaw parating si bosing..

Tom : Wow! Sexy (sabay sipol)

Swit : Hoy Tom, bata pa yan

CM : Hey who are you?

Popo : Ako po si Popo, lalake po ako.

Pepe, Swit, Tom : Ah!! Bakit ka nandito?

CM : Haler, didn't you notice guys, bosing left him!

Swit : Tignan nga kita (kasamang tumingin si CM)

CM : W H A A T T?

Swit : Ka Pepe, may lamang pera!

CM : Yah as in United States Dollars

Tom : Naku, pang Good Time ni bossing, Hmm Ramada? Sofitel? Saan kaya? Sabi ko na, may sugar mommy si bosing eh.

Popo : Hindi ko din po alam eh, kanina naririnig ko, nagpapasalamat siya, may kausap sya, nagtataka ako kasi nakapikit sya habang hawak nya ako, sabi nya "Thanks for the salary increase, truly you are the true GOD." Tapos sabi nya sa akin, bukas daw, pupunta kami sa Church, isasama nya daw akong magsimba.

Swit : Ah yun naman pala eh. May increase si bosing.

Pepe : Oh ano Tom?, boljack ka na naman! Kailan kaya lalaki 'yang utak mo na kasing laki ng tumbong mo? (Big-ass)

CM : Hmm. The question is : What is the secret of Bosing, How come he has salary increase? Huh?

Maikling Kwento ni Kiko
SISIDLAN
Mga Tauhan:
Pepe - Kape
Swit - Asukal
CM - Coffeemate
Tom - Bigas
Popo - Sisidlan ng IKAPU (tithes)

Kaibigan,
maaaring nabasa mo itong likha ko dahil gumagawa ka ng resume mo sa isang computer rental dahil wala kang trabaho sa ngayon, paano ka makapagbibigay ng ikapu!? tanong mo sa sarili mo…

Kaibigan,
naranasan ko na rin 'yan noon, ngunit ngayon na isa na akong OFW, nais kong ibahagi sa iyo ang naging sekreto ko…

Maglaan ka ng ika-sampung bahagi sa isang araw para manalangin at kapag nagagawa mo na ito ng isang linggo, maglaan ka naman ulit ng ika-sampung bahagi sa isang araw para magbasa ng Salita ng Diyos, magugulat ka sa resulta dahil lalakas ang inyong ispiritual na pamumuhay…

Dahil ang biyaya na nagmumula sa Kanya ay hindi maaagaw ng kahit na sino sa anumang paraan

Nga pala, sakaling matanggap ka sa ina-apply-an mong trabaho, sana balikan mo ang aking katha na minsang nagmulat sa iyo ng simpleng pakikipag relasyon sa Diyos.