Nawawalang Plato

Tula

Ako ay may handaang sinalihan, handaang kakain ang karamihan,
Kanya kanyang dala ng hapunan upang lahat ay pagsasaluhan;
Marami ang natuwa, marami ang nabigla,
Sari-saring handa, iba-iba ang lasa.

At pagkatapos ng handaan, isa-isa nang nag-uwian,
Mga dalang ulam ay pinaghatian;
Kay sarap tignan, kay sarap pagmasdan.

Pagdating ng bahay, sa kusina, mga dala ay inilagay,
Ngunit parang may nawawalang plato;
Baka sa handaan ay naiwanan ko?

Malalim na ang gabi, upang balikan muli,
Sana sa isip ay manatili, upang maalala palagi.

Mga bagay na naiwan, bagay na nakaligtaan,
Sa iba ay wala lang, sa iba naman ay isang kayamanan.