Puso nga ba ang nagdidikta?

This Video is Password Protected, type the Date of Valentines Day without space ex: February14


Dakilang pag-ibig daw ay isang katangahan,
Ang umibig ka sa taong salawahan;

Niloloko ka na ng harap-harapan,
Pilit pa rin namang nagbubulag-bulagan.

Pusong dakila daw ay tunay na manhid,
Darang sa dusa, hirap at pasakit;

Sa kadakilaan'y patuloy na umiibig,
Nag aabang sa kakaunting pinagkakait.

Dakilang tanga kung sabihin ng iba,
Ang magmahal sa nang aalipusta;

Kahit anong payo ang sabihin nila,
Busilak na puso ba ang siyang nagdidikta?

O may kakulangan ba sa pag iisip?
Ang palagi na lamang naririnig;

Ang magmahal ng walang kapalit,
Pilit pa ring magsusumiksik.

Ngayong kayo'y naghiwalay,
Huminto na ba ang iyong buhay?

Pag-ibig mong walang kapantay,
Ngayon ilaan sa taong kung magmahal ay dalisay.

Tanong: Puso nga ba ang nagdidikta?