Tula
Paano ko ba sisimulan?
Tila may bigat sa kalooban;
Dahil siguro sa kasabikan,
Na kamay mo man lang ay mahagkan.
Mula ng larawan mo'y makita,
Sa KANYA ay hiniling na kita;
Palaging sa iyo'y nakikibalita,
Mahal kita, 'di man ako nagsasalita.
Unang marinig ang boses mo,
Tila ayaw bumuka ng bibig ko;
Ligayang dulot sa puso ko,
Hindi mapapantayan ng kahit sino.
Anak ang ako'y ituring mo,
Kaya anak mo'y mahal na mahal ko;
Tulad ng pagmamahal ko sa iyo,
Nakaukit na dito sa puso ko.
Matagal ko nang pinananabikan,
Na ikaw man lang ay mahagkan;
Kung alam mo lang ang dahilan,
Kulang na lang, ako'y manggaling sa 'yong sinapupunan.
Palagi kang laman ng kwentuhan,
Dahil pareho daw tayo ng kapalaran;
Laging birit sa bidahan,
Walang sosyal sa katawan.
Akin pong nararamdaman,
Na mabuti ang iyong kalooban;
Hangad mo lagi'y kaligayahan,
At sa mga anak ay pagmamahalan.
Hindi man po sa ngayon,
Alam kong darating ang panahon;
Magkakatagpo tayo duon,
Payagan mong sa bisig ko kita'y maibaon.
Pwede po bang may isang hiling ako?
Pagyoyosi mo po sana'y maalis mo;
Dahil ayokong maapektuhan ang kalusugan mo,
Mahal kita ng taos dito sa puso ko...
IKAW ang nag-iisang MAMA sa buhay ko.