Hanggang May Pag-ibig

Tula

Tulad sa kanta na aking naririnig,
Tibok ng puso'y sumusunod sa himig;
Parang puno ng kawayang sumasabay sa hilig,
Tila alon sa dagat na dala ay pag-ibig.

Sabi nila kapag ang isang tao'y umibig,
Bawat minuto, bawat oras ay kinikilig;
Matatamis na salita ang laging bukang bibig,
Parang kayang-kaya na pasanin ang daigdig.

Pakiramdam ng bawat isa'y parang langit,
Nangingibabaw ang pagmamahal kahit may pait;
Hindi alintana ang dulot na pasakit,
Dahil sa puso'y pag-ibig ang nakaukit.

Kung ang bawat isa ay nagkakaunawaan,
Bawat damdamin ay nagkakaintindihan;
Walang dahilan para hindi magbigayan,
Wala nang puso pa ang masusugatan.

notesnikiko.com Mga Tula ni Babyluv