Tula
Isip ko ngayo'y naguguluhan,
Dahil nakasalalay, aking kinabukasan;
Sana paghihirap ay mawakasan,
Maging maganda ang kapalaran.
Sobrang sakit na nararamdaman,
Sa damdamin ay sobrang kalungkutan;
Parang dinudurog ang kalamnan,
Sana ito'y aking malampasan.
Kung pagmamahal ang pag-uusapan,
Walang kahit anong sukatan;
Maging sampu mang karagatan,
Hindi pa kayang mapantayan.
Panahon lamang ang sadyang kalaban,
Hindi ko alam kung makakayanan;
Buhay yata ay sadyang ganyan,
Sana tulad ng iba ako'y may kakayahan.
Gusto ng isip ko na ikaw ay pagbigyan,
Subalit puso ko'y sadyang nasasaktan;
Dahil sa sitwasyon ay hindi ko na alam,
Huling pagkakataon ba ang sadyang nakalaan?