Tula ng Ano

Isang araw may hinahanap ako,
At sa pag hahalungkat ko;
Nakita ko ito, hanapin daw kay kiko,
ang tula ng ano.

Bigla akong napangiti,
Kahit minsan sa isip ay hindi sumagi;
Tulang hindi kayang itanggi,
Sa isang naghahanap na binibini.

Kaya't simulan mo nang basahin,
Ang inihanda kong sasabihin;
Kahit hindi mo hilingin,
Para sa iyo'y aking gagawin.

Mahirap intindihin ang saloobin,
Kapag ang sagot ay patanong din;
Gaya ng taong ulo'y mainitin,
Marahan mong tanong...
Anoooooo???? ang sasagutin.

Tinanong mo na nga,
Ibabalik din sa iyo ang salita.
Hindi ba parang nakakairita,
Intindihan nalang siguro dahil bata.

Bata nga ba o nag-iisip bata,
sa mga kwentong ano ang simula.

Ano eh, ano kasi 'yun,
Si ano, 'ung ano namin;
Ito kasi si ano nakaka ano,
Anuhin ba naman ung ano.

Nagsimula sa ano,
Natapos din sa ano;
Kwentong nakakaloko,
Parang itong tula ko.

Ayan siguro masaya ka na,
Dahil ginawan na kita ng tula;
Tulang ginawa habang nakahiga,
Bye bye na at ako'y mag-aalmusal pa ng...

Ano, ummm ano nga ba tawag dun...
Ah basta ano 'un almusal 'yun...

Tapos nood tayo ng Ano…

'Ung ano…