Maikling Kwento ni Francis Morilao
'yan ang mga katagang palaging sinasambit ng malapit mong kaibigan tuwing makikita kang bagong gupit. Gasgas na gasgas na itong linyang ito ngunit nais kong ibahagi sa inyo ang naging karanasan ko noong isang araw na nagpagupit ako.
True Story
Isang biernes ng umaga, kinuha ko ang labahan kong puti at kinusot, nilabhan (dahil ugali ko nang maglaba ng mga puting damit tuwing biernes ng umaga) maya-maya pa ay tinapik ako ni Tso (palayaw ng isa kong kasamang OFW)
Pagkasampay ko, kinuha ang cap, wallet at tinungo ang aming pupuntahan. Isa itong lugar dito sa Industrial Area na pinupuntahan ng halos lahat ng mga nandito tuwing biernes ng umaga upang mamili ng ulam (isda, gulay) at mga ukay-ukay.
Habang naglalakad kami ni Tso ay nabanggit kong gusto kong magpagupit, sinabi niyang mayroon din doon sa pupuntahan namin, Filipino pa ang maggugupit at 5QR lang! Sige, magpapagupit ako, sabi ko sa kanya.
Noong nasa Pilipinas pa ako, at sa Cavite pa kami nakatira, sa Ricky Reyes SM Bacoor ako nagpapagupit, dahil gusto ko ang service nila, at dahil kababata ko si Allan Bacina (dating hairdresser nila na ngayon ay may sarili ng parlor) at noong nasa Ortigas naman ako nagtatrabaho, sa David's Saloon naman ako nagpapagupit, siguro nga mitikoloso ako pagdating sa gupitan, at tuwing sweldo naman ay sa Bench Fix Saloon sa Eastwood Libis, bago pa tayo lumayo, balik tayo kay kuyang barbero, ewan ko ba bakit ako nakapagpagupit sa kanya.
Matagal din akong nakatayong nag-aantay habang nagmamasid sa mga dumadaang mga kabayan na may mga bitbit na mga pinamiling isda at mga ukay-ukay na damit, oo, dito sa isang iskinita na iba't ibang lahi ang makikita mo, may mga nakaparadang bisikleta at hilera ang mga naggugupit.
Umupo ako sa isang puting baldeng itinaob, at nilagyan niya ako ng sapin, mula sa pinutol na kumot, upang matakpan ang aking damit laban sa mga buhok na magugupit.
Ang mga sumunod ay katahimikan. Liso, ikot, tungo, angat, ang mga kilos niya. Ako naman ay sunod lang. Maayos naman ang tipa niya ng gunting, alam kong sa mga kilos niya ay bihasa na siya sa paggugupit. Kung iisipin nga naman madaling araw pa siya siguro nandito naggugupit at maaaring sa loob lamang ng oras na ito ay kumita na siya ng mahigit na 20QR.
Sa mga sandaling iyon ay natahimik ako at naglakbay na naman ang aking diwa. Sa mga katulad ni kuya, ang bawat minuto at oras ay mahalaga, na kahit na araw ng kanyang pahinga ay gumagawa siya ng paraan upang gamitin ito para kumita ng pera. Sa aking palagay, maliit lamang ang kanyang kinikita kaya niya ginagawa ito, ngunit kahit na siguro nasa tama ang kinikita ng isang OFW, isa itong pagbubukas ng isip sa kanyang kapwa OFW, na ang bawat oras ay mahalaga, na sa isang katulad ni kuya, wala siyang sinasayang na oras para kumita, syempre sa marangal na paraan. Malalim ang buntong hininga ko at ito'y kapansin pansin sa kanya.
Naisip ko, ang ibang mga OFW, huwebes pa lang, mga lasing na, biernes naman nasa galaan, ubos oras, ubos pera, (paumanhin po, hindi ko naman nilalahat ngunit nangyayari naman talaga 'di ba?), samantalang ang mga kagaya ni kuya ay kumakayod kahit araw ng pahinga.
(Babalikan ko si kuya upang makilala siya at bigyan ng kahit kaunting parangal at regalo)
Abangan po ninyo ang susunod na bahagi! Salamat po sa inyong pagbasa!