Love Bus Book 2 part 9

Love Bus Book 2

Nobela

Love Bus 2
Tito Franz, tito Franz gising… Huh!? Nakatulog ka na d'yan. Nakapaligo na ako papasok na akooo. Si-sige, magluluto lang ako ng almusal natin. Naihatid na rin ni Franz si Josh sa school, habang pauwi naisipan niyang puntahan muli ang bahay ni Mang Poldo sa Kabihasnan. Ring RingTumatawag si Brenda kay Franz Hello!? Bru Oh kumusta ka na? Hello Franz, ok lang, si Josh kausapin ko!? Naku, nakapasok na sa school. Tawag ka na lang mamaya. May pupuntahan pa ako. Saan ka naman pupunta? Sa Kabihasnan, doon sa bahay ni Mang Poldo. Ano naman gagawin mo doon sa kabihasnan!? Naku, mahabang kwento bru, saka na lang pag may time ka to chat. Toh naman, sige naaaa! Chat na lang tayo mamaya pa naman ang pasok ko. Sige, uwi na lang muna ako, tutal medyo malayo din ang kabihasnan. Ok, sige ingat ka ha, buzz mo lang ako kapag online ka na.

YAHOO MESSENGER

BUZZ!!!

brenda:
franz hoy, alam ko online ka, naka invi ka lang, ano na kwento? big grin
franz:
talaga toh, kararating ko lang angry
brenda:
'wag ka na magalit, toh naman, ano nga? bakit ka pupunta doon sa kabihasnan? winking
franz:
wala magpapagupit laaaang tongue
brenda:
Hoy, Francisco Molina, kilala kita angry
franz:
ok ok, may hinahanap kami tungkol sa pagkamatay ni Myra
brenda:
anong sinabi mo? ano naman ang kaugnayan ng mama doon sa kabihasnan?
franz:
natatandaan mo 'ung matandang babae noong nanood tayo ng sine? One More Chance?
brenda:
oh, 'yung siraulo?
franz:
siya ang nanay ni Mang Poldo
brenda:
oh tapos?
franz:
siya si Herminia, sabi ng papa ni Myra
brenda:
Herminia, teka parang may kaibigan ang nanay kong Herminia ah
franz:
teka ano bang pangalan ng nanay mo?
brenda:
Maria Teresa
franz:
naku naloko na
brenda:
anoooo!?
franz:
hindi kaya siya ang Maria na sumulat kay aling Miniang at ang pumilas ng page 33 sa libro?
brenda:
aba malay ko, basta ang alam ko may kilala akong Herminiang kaibigan ni nanay.
franz:
paano naman sila nagkakilala ng nanay mo aber?
brenda:
dati po silang magkasama sa mansyon, sa mansyon sila nagtatrabaho noon, kasamahan niya sa bahay noon si nanay, teka nga bakit ba sila ung pinag-uusapan natin, ikaw 'tong gusto kong makausap
franz:
kausap mo na nga ako ano pa bang gusto mo? ano naman gusto mong malaman sa akin?
brenda:
para kasing bigla nalang ang nangyari 'di ba, namatay si myra, tapos para kang nawalang parang bula, lumitaw ka lang noong humingi ako sa'yo ng tulong kung pwedeng iwan sa'yo si Josh, ano ba nangyari?
franz:
wala naman, wala na 'yun tapos na 'yun, ang mahalaga masaya naman akong kasama si Josh
brenda:
alam mo nagpapasalamat ako sayo, kaybuti buti mo sa akin winking
franz:
sooosssss
brenda:
hindi nga,  nakaka inlove ka Franz 
franz:
adik, umayos ka
brenda:
bakit kasi hindi mo ako niligawan noon Franz? 
franz:
brenda:
ano natorpe ka na naman!?
franz:
tumigil ka nga, sige na maglalaba pa ako
brenda:
eh bakit ngayon hindi mo ako ligawan, patay na si Rich, patay na rin si Myra, libre na tayo
franz:
hmmm, pag-iisipan ko muna
brenda:
tangnangto pakipot maarte
franz:
anodaw?
brenda:
wala galit ako angry
franz:
eh kahit hindi naman kita ligawan alam ko namang sasagutin mo ako
brenda:
yabang mo
franz:
oh 'di ba tama ako!?
brenda:
oo na
franz:
kaso nga, nandyan ka sa Qatar paano mo mararamdaman ang pagmamahal ko?
brenda:
naks nakakakilig naman, i love you na talaga 
franz:
asus, tama na yan at maglalaba pa ako
brenda:
o sige basta tayo na ha, wag ka nang manliligaw ng iba pa dyan ha, promise?
franz:
brenda:
Huy Franz, talaga toh
franz:
Oo hindi na ako manliligaw pero hindi tayo
brenda:
drama mo
franz:
umuwi ka dito at pakakasalan kita
brenda:
wow kakilig naman 
teka, langya kararating ko lang dito sa Qatar pauuwiin mo na agad ako!?
franz:
Oo, kasi matatapos na ang love bus book 2, kelangan ang ending nasa pinas ka raw sabi ni kiko
brenda:
huh!? 

Ring RingTumawag si Josh kay Cynthia Hello, Cynthia, love, ready ka na ha, darating na ako jan in 20 minutes… Yes, love, waiting na ako, nagbabasa lang…

MAYA MAYA

Good morning love, mwaah (humalik si Josh kay Cynthia), ano tara na, alis na tayo? Teka lang, tapusin ko na ito, last chapter na. Ano ba 'yang binabasa mo?, tanong ni Josh. Love Bus po. Ah, travel book? Ahaha, hindi noh, love story, about true friendship at endless love. Haysss may mga ganun pa palang lalaki at babae sa mundo. Bakit naman? Natuwa ako sa friendship at love story nila Franz at Brenda. Patingin nga, akin na nga yan, may kilala akong Franz at Brenda. Eh 'di ba si Tita, Brenda ang pangalan? Oo, patingin nga at mabasa. Hay naku, umalis na tayo, baka kanina pa nag-aantay si Tita sa airport. Sige na nga, teka saan mo nabili yang librong yan love? Nagkalat kaya sa bookstore yan, Best Seller na, naging Story of the Month pa sa National Bookstore. Pwede ka ring umorder sa Amazon Online. Ok yan ah, mabasa nga.

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT ARRIVAL AREA

Cynthia:
Oh narinig mo 'yun, nandyan na ang airplane, dumating na si Tita Brenda.
Nag park sila sa loob ng NAIA at naglakad patungo sa waiting area para abangan si Brenda, mahigit sampung taon ding namalagi si Brenda sa bansang Qatar, lumaki na ng tuluyan si Josh at mayroon na itong kasintahan, si Cynthia Josh:
Mama, (kaway ni Josh kay Brenda pagkakita nito sa ina), patakbong yumakap sila sa isa't isa, ipinakilala ng personal ni Josh si Cynthia sa ina. Tara ma, (kinuha ang trolly at itinulak ito papalapit sa kinaroroonan ng kanilang sasakyan)
Cynthia:
Kumusta po tita Bren?
Brenda:
Ok naman, medyo pagod sa haba ng byahe pero kaya pa hehehe...
Josh:
Mama, sakay ka na, ako na ang maglalagay ng mga ito sa likod.
Pinaandar na ni Josh ang sasakyan, tahimik ang bawat isa at nakikiramdam. Josh:
Mama, saan mo gustong pumunta?
Brenda:
Kain muna tayo doon sa Dampa, na miss ko kumain doon.
Cynthia:
Oo nga po tita, ako din, paborito kong kainin doon 'yong Buttered Shrimp tapos Sinigang na Maya Maya, hmmm sarap.
Josh:
Mama, kumusta naman ang byahe mo?
Brenda:
Natagalan ako, 'ung binili kong tiket eh connecting flight sa Abu Dhabi, waiting ako for 8 hours tapos another 8 hours na byahe.
Josh:
Mama, baba na kayo ihanap ko lang ng parking ito, susunod na lang ako sa inyo, order n'yo ako ng favorite ko ha, Inihaw na Baboy at Grilled Tahong.
Habang kumakain, may katahimikan ang kalooban ni Brenda, tila ba may kulang, wala ang sigla sa kanyang pagbabalik mula sa Qatar, siguro nga dahil sa tagal nang panahon, nanibago na siya, o mayroon pang ibang dahilan Brenda:
Josh, mamaya pagkakain dalawin natin si Tita Myra mo ha?
Josh:
Sige ma.
Cynthia:
Alam mo tita, palagi kaming pumupunta doon kay Ninang Myra, ewan ko dito kay Josh kung bakit.
Josh:
Love, hindi lang naman si Ninang ang nakalibing doon, pati si Tito Franz, siya kaya ang nag-alaga at nagpalaki sa akin, nakakalungkot isipin na ginawa niya iyong mga bagay na iyon para lang sa kinabukasan ko.
Brenda:
Aksidente ang nangyari Cynthia hindi sinasadya ni Franz ang nangyari, masakit din para sa akin ang pagkawala niya.
Unti unti nang pumatak ang luha ni Brenda habang papalapit na sila sa libingan nina Myra at Franz, tila parang ang bigat ng kanyang mga paa para humakbang ngunit pinilit pa rin niya ang sarili upang kahit minsan pa ay masilayan niya ang libingan ng mag-asawa, at paglapit ay hindi na napigilang humagulgol ng iyak si Brenda, marahang hinagod ni Josh ang likod ng kanyang ina upang tumahan ito, ngunit pati rin si Josh, unti unti na ring umiyak… Nagbalik sa kanyang mga ala-ala ang mga panahong pinagsamahan nila ni tito Franz… Walang imik si Cynthia, gusto niyang tanungin kung ano nga ba ang ikinamatay ni tito Franz, gusto niyang malaman ang lahat, ang buong detalye… Cynthia:
Love, (kay Josh) tignan mo nakatulog na si tita Brenda, siguro sa busog o lungkot, uwi muna tayo bago mo ako ihatid, ihiga mo muna si tita
Josh:
Sige Love, para makapagpahinga si mama.

Flight Attendant:
Miss, please fasten your seatbelt we're going to land in a few minutes, sabi ng cabin crew, naalimpungatan si Brenda.
Brenda:
Ano toh!? panaginip lang ba 'yun kanina?
Hindi pa rin makapaniwala si Brenda hanggang sa bumaba siya ng eroplano at maglakad patungo sa baggage counter upang kuhanin ang mga dala niya. Parang totoong totoo ang mga pangyayari? Pero hindi, dahil kahapon lang ay kausap pa niya si Franz at sinabing siya ang susundo sa kanya. Matapos magpacheck-out ng baggage si Brenda ay dali dali siyang lumabas para hanapin si Franz. Nagkatapat ang mga mata nila Franz sa sandaling 'yun at tumakbo siyang payakap kay Franz na ikinagulat naman nito. Franz, huwag kang mawawala sa akin ha, tumulo ang luha ni Brenda habang mahigpit ang pagkakayap niya kay Franz. Bakit mo naman nasabi 'yan bru? Ah basta, promise, hindi na ako babalik ng Qatar, dito na lang ako, ayaw kong magkahiwalay pa tayo. Drama mo bru, tara na doon sa kotse. Aba, bongga! Sabay pahid ng luha ni Brenda at ngumiti sa nakita niyang Honda CRV na binuksan ni Franz. Bagong bago ah. Ahaha, rental lang 'yan, hindi kasi pwede ang kotse ko, alam kong madami kang dalang gamit. Asus, char, rental ba 'yan eh, may picture ni Josh sa loob? Pahumble ka pa. Bakit ang drama mo kanina? Eh kasi nanaginip ako kanina sa eroplano, namatay ka raw at sina Josh at Cynthia ang sumundo sa akin. Cynthia? Oo Cynthia ang Gf ni Josh. Si Josh may GF? Hahaha, eh dose anyos pa lang ang anak mo. Ganon!? Ibig mong sabihin premonition ung panaginip ko? Dapat nga siguro hindi na ako bumalik ng Qatar. Ano bang pinagsasabi mo, ang kelangan nating asikasuhin ngayong pag-uwi mo ay mahanap natin ang libro, remember? Ay oo nga, sige maghalungkat tayo doon sa bahay.

SA BAHAY NI BRENDA

Alam ko dito ko nilagay ung mga naiwan ni inay. So! totoo ngang ang nanay mo ang Maria na sumulat kay Herminia? Hindi ako sure, malalaman natin, kapag nakita natin ang librong hinahanap natin dito sa gamit ni nanay. Halos ilang minuto lang at nakita na ni Brenda ang libro. Oh ito ba ang hinahanap mo? Tignan mo nga kung may page 33? Oh wala, diba sabi mo nasa iyo ang page 33 nakalagay sa sulat ni Inay? Iniabot kay Franz ang libro.

Sinipat na maigi ni Franz at Binasa ang pabalat.
An librong ito na iuong tangan
pacamajalin at pacaingatan
an susi ng capangiarijan
i nagmumula sa caalaman
lauacan an icipan
at casagutan i macacamtan
at saka kinuha ni Franz ang pilas ng pahina 33 sa kanyang bulsa Oh ito, inilapat ni Franz sa napunit na pahina at saka binasa, Pajinang ito capag iuong pinilas,
sumpa ng nacaraan i mababalictad
cia na manganganak an ciang magjijirap
camataian naman sa asaoa
ng librong may tangan

anapin an libro at sunugin sa apoy
upang sumpa ng kajapon i indi magtuloi
malalabanan an sumpa
capag sinunog itong pajinang casama.
At inilipat sa pahina 34 at binasa Sunugin an librong ito sa lalagiang bacal
at ang abo i daljin sa lugal ng akin pagsilang
Isaboy sa malauac na caragatan

An Pag-ibig na minsang cinatacutan
Dahil sa sumpang macapangiarijan
An naudlot na pagmamahalan
Muling bigiang laya, kamai nia i hauacan.
Pagkalipas ng ilang araw ay nagpunta sila Franz at Brenda sa Batangas upang sunugin ang libro at isaboy sa karagatan ang abo… Franz, noong nasa Qatar ba ako, palagi mo ba akong iniisip? Bru, sa bawat sandali, ikaw ang laging nasa isip ko… At pagtanaw sa kalawakan ng karagatan ay naghawak ang kanilang mga kamay…
Salamat po sa inyo na sumubaybay sa Kwento ng pag-ibig ni Brenda. Sana po ay nabigyan ko kayo ng kakaibang ngiti at saya mula pa sa unang aklat.

Minsan may pag-ibig na nabuo, kaya lang hindi nagkatotoo.

Minsan nanaginip ka ng masaya, hindi naman pala.

Minsan mayroon kang minahal,
Inaya mong pakasal, 'yun pala kukunin lang ng maykapal.

Minsan sa iyong paglalakad,
Makakasalubong mo ang babaeng iyong hinahangad
Hindi mo papansinin, pagkakataon ay palalampasin…
~Makatang Kiko