Ako'y Isang Simpleng Blogista Bow!

Ako'y isang simpleng blogista na tumitipa ng iba't ibang letra,
Para sa dagdag kaalaman nitong mga kabataang mambabasa;

Hindi ako kasingsikat ng iba na dinadalaw ng sangkatutak na blogista,
Na ang kumento'y sangkaterba, dahil hindi naman nila ako kilala.

Ngunit alam nyo ba talaga ang nararamdaman ko?
Kapag nag comment ka sa blog post ko?
Ngiti sa labi ko'y abot hanggang taenga.

Itong puso ko'y nag-uumapaw sa saya,
Na kahit hindi pa tayo nagkikita;

Ako ay iyong lubos na pinasigla,
At tunay na binigyang halaga.

Kahit na ang iba'y nananatili na lang sa pagbasa,
At hindi talaga mahilig magkumento;

Wala naman akong magagawa,
Alangan namang mamilit ako.

Ang mahalaga sa akin ay nakapag-iwan ako ng ala-ala,
Na minsan sa pagdalaw nila dito sa aking bahay;

Umalis sila ng may dalang ngiti,
At saya na nanggaling sa isang simpleng blogista.

Nakakalungkot lang talaga,
Ang iyong inaakalang malapit sa puso;

Hindi rin pala magkukumento,
Kahit pa sabihin pang kakilala mo..
Walang pakialam sa blogpost mo.

Eh kasi nga simple lang ako,
Hindi kasing sikat ng matagal na dito.