Bawal Magdiwang ng Pasko, Ang X sa X'mas

notesnikiko.com Blog

Blog

IPINAGBABAWAL ANG PAGDIRIWANG NG PASKO

• Sa New England (isang rehiyon sa US na sumasakop sa six states: Maine, New Hampshire, Vermont, Massachusetts, Rhode Island, and Connecticut) kung saan maraming Puritans, ay may batas na ipinagbabawal ang pagdiriwang ng Pasko. May kaukulang parusa sa mga taong mahuhuling nagdiriwang ng Pasko.

X sa X'MAS

• Sa X’mas, ang X ay Greek letter para sa Kanya (Jesus), kaya hindi totoo ang bintang na kapag isinulat mo ang Christmas ng X’mas, ito ay katumbas ng pagbura mo sa pangalan Niya.

THANKSGIVING DAY vs PASKO & CHRISTMAS CAROLS

• Ang mga Puritans na naninirahan sa Amerika ang nagsulong na Thanksgiving Day ang dapat na maging Most Important Annual Festival at hindi ang Pasko.

• Ang mga Puritans ay mga konserbatibong English Protestant noong 16th at 17th century na tutol sa pagdiriwang ng Pasko dahil wala ito sa Aklat. Kaya bawal sa mga Puritans ang kumanta ng Christmas carols.

• Ang awiting White Christmas na version ni Bing Crosby ang “biggest selling Christmas single of all time”.

• Ang kantang Jingle Bells ay isinulat talaga para sa Thanksgiving Day pero naging sikat na Christmas song.

DECEMBER 25th

• Ang author ng Treasure Island na si Robert Louis Stevenson ay may kaibigan na suklam na suklam sa sarili nitong birthday, December 25. Kaya bago namatay si Stevenson, inilagay niya sa kanyang last will and testament na ipinamamana niya sa kaibigan ang kanyang November 13 birthday.

SANTA CLAUS & CHRISTMAS

• May bayan sa Arizona at Indiana na ang pangalan ay Santa Claus; may bayan naman sa Florida na ang pangalan ay Christmas

Santa Claus Christmas

1ST CHRISTMAS TREE & CHRISTMAS LIGHT

Feathered Christmas Tree

• Sa Germany nanggaling ang unang artificial Christmas tree. Ang mga dahon ay yari sa feathers na kinulayan ng berde.

• Noong 1834 si Prince Albert na asawa ni Queen Victoria ang nagdala ng First Christmas tree sa Windsor Castle para sa Royal Family.

• Ang electric light o Christmas Light ay unang ginamit sa Christmas tree noong 1895.

CHRISTMAS AS U.S. NATIONAL DAY

• Naging national holiday lang ang Pasko sa Amerika noong 1870.

• Maraming bumibili ng diamond jewelry kapag Christmas time kumpara sa ibang holiday o special occasion sa buong taon. Mga 31 percent ang itinataas ng benta.

NUTCRACKER BALLET

The Nutcracker Ballet

• "The Nutckracker" ang "most famous Christmas Ballet"

COCA COLA & SANTA CLAUS

Coca_Cola Santa Claus

• Ang Coca-Cola ang pinakaunang beverage company na gumamit kay Santa Claus para sa kanilang winter promotion.

The full Coca Cola Christmas 2010 advert!

More videos availble on our channel. You can send in your own videos or suggest a video; for more details (including contact information) visit our channel and read the channel description.

Visit the official Coca Cola site: http://www.coca-cola.com/index.jsp 



HALLMARK CHRISTMAS CARD

Hallmark Logo

• Ang unang Christmas card na ginawa ng Hallmark ay inilabas nila sa market noong 1915.

ST. NICOLAS DAY

• Hindi medyas kundi sapatos ang isinasabit ng mga batang Dutch tuwing St. Nicolas Day tuwing December 5.

Source: Annabelle O. Buenviaje(Akalain Mo...)

PASKO SA PILIPINAS

• At sa Pilipinas naman ay opisyal na ipinagdiriwang ang pasko sa pamamagitan ng Simbang Gabi na ginaganap sa Simbahang Katoliko, nagsisimula ito tuwing December 16, siyam na araw bago ang Noche Buena sa pagsalubong sa araw ng Pasko, 12:01 a.m. December 25, halos lahat ng mga Pilipino ay gising sa ganitong oras, dito sila nagpapalitan ng mga regalo (exchange gift) at kumakain ng Noche Buena.