Ikaw Ang Buhay Ko

ang sabi nila…

Mula nang makilala ka aking sinta,
Buhay ko'y nag-iba, naging masigla;

Binigyan mo ng kulay ang pisngi kong matamlay,
Muling nagkaroon ng pag-asa itong paglalakbay.


Noon akala ko, huminto na ang mundo ko,
Hanggang sa tuluyang tumigas itong aking puso;

Ngunit nang magkakilala tayo't magkatagpo,
Asul kong mundo'y tinanggalan mo ng yelo.

Ikaw ang buhay ko, ngayon at magpakailan man,
Walang halong biro at ito'y totohanan;

Ako, mahal ko'y iyong paniwalaan,
Pag-ibig kong ito'y huwag mag alinlangan.


ang sabi ko naman…

Ikaw Ang Buhay ko ang sabi ng ilan,
Mga talatang walang katuturan;

Ang nagsasabi nito'y 'di dapat paniwalaan,
Sapagkat kabuuan nito'y puro kabulaanan.

Kailan pa naging pampasigla ang taong nakilala?
Kailan pa naging pampalambot ng puso ang bagong katagpo?

Puro kalokohan, at walang kasiguruhan,
Sa mga pinagsasabi mo mahiya ka naman.

Kung tunay kang nagmamahal, iparamdam mo sa mahal mo,

Kung gaano siya kahalaga sa iyo, sa bawat oras, bawat minuto;

Hindi sa mga pinagsasabi mong ginamit na noon ni lolo.