Kailan nga ba?

Tula

Kailan pa naging tama ang mali?
Kailan mo susubukang tumanggi?

Kailan ka lalaya sa pagkukubli?
Kailan mo mararanasan ang wagas na ngiti?

Bakit ba ganyan ang buhay?
Bakit ba puno ito ng kulay?

Bakit kung kailan naghiwalay?
Saka lang nararanasan ang lumbay.

Isang sulyap sa nakaraan,
Wagas na pag-ibig na minsang pinagbigyan;

Pag-ibig na inaakalang pangmatagalan,
Nauwi lang pala sa malungkot na hiwalayan.

Ngunit ang puso'y sadyang matibay,
Tibok nito'y kakaiba ang taglay;

Kinabukasan sa pagbubukang liwayway,
Pag-asa ng puso sa bawat isa'y ibinigay.

Kaya't huwag ka nang malungkot,
Mukha ay pigilang sumimangot;

Iisa lang naman talaga ang sagot,
Nagmahal ka lang siguro ng lubos.