Tula
Itong tula ay alay ko kay Anonymous na humingi ng isang tula para sa kanya na palaging iniiwan
Istorya ng pag-ibig ko'y talaga yatang ganito,
Nasanay na sa mga pagmamahalang bigo;
Kahit anong pilit kong baguhin,
Iyon at iyon pa rin ang ending.
Ako nga ang palaging iniiwan,
Pag-ibig ko raw ay walang patutunguhan;
Wala akong karapatan sa kaligayahan,
Pag-ibig na puro sa simula lamang.
Ano ba ang dapat kong gawin?
Tinatanong ang sarili sa harap ng salamin;
May problema ba sa aking damdamin?
O sadyang ganito ang kapalarang dapat tanggapin.
Nang magsimula akong matutong magmahal,
Ibinigay nang buo pati na aking dangal;
Hanggang ang buhay ko ay akin nang isugal,
Mapatunayan lang na tunay akong magmahal.
Sa kahuli hulihay ganoon parin,
Ako ay talagang iiwanan parin;
Maaari ngang may problema sa akin,
Ano nga ba ang mga dapat kong baguhin?
Tugon ko sa iyong katanungan…
Ilang beses ka mang iwanan,
At tratuhin kang isang laruan;
Alalahanin mo at itanim sa isipan,
May darating na isang tao na ikaw'y maiintindihan.
Isang taong uunawa sa nakaraan mo,
Siya, na tugon sa mga panalangin mo;
Pag-asang pag-ibig na umiikot sa mundo,
Subok na darating kung paniniwalaan mo ako.
Pag-uugali mo'y walang dapat baguhin,
Pati na ang pagsintang wagas na damdamin;
Isa lamang ang aking hihilingin,
Palakasin mo ang pundasyon ng panalangin.
Sapagkat pagdating sa pag-ibig,
Wala tayong dapat baguhin;
Walang sinoman ang dapat sundin,
Kapag tibok ng puso ang paiiralin.
Pag-ibig na puro simula,
Ngayon iyong wakasan upang lumigaya;
Ligayang hindi sinasadya;
Kundi, wagas na sa puso nagmumula.
Nagpapasalamat ako sa iyo Anonymous sa iyong kahilingan,
Nawa'y sa tulang ginawa ko ay naginhawaan ang iyong kalooban;
Dalangin ko sana'y iyong matagpuan,
Ang taong wawasak sa sumpa na nasa iyong isipan.