Alalahanin Mo ang Alaala ko

Tula

Hindi kita gagawan ng larawan na makikita mo lang sa computer…
Hindi kita padadalhan ng SMS na mababasa mo lang kapag naka cellphone ka…

Hindi kita padadalhan ng card na maluluma at mawawala…
Hindi kita bibigyan ng bulaklak na malalanta…
at kahit plastik pa…

Ngunit itong tula na aking ginawa
Nawa'y magsilbi mong ala ala

Madaling sauluhin kahit saan ka man magpunta

Lapatan mo man ng musika
Kahit na ikaw'y tumanda
Mananatili ito sa iyong memorya…

Ang mga pahanon nating kulitan,
Basagan na walang tulugan;

Mga linyang wagas na asaran,
Simpleng ngiti'y iyong pinapakawalan.

Nakatatak na ang aking pangalan,
Kahit ipikit mo ang mata sa higaan;

Paggising sa umaga basag pa rin ang aking linya,
Upang sa iyong ala-ala,

Nag-iisa akong walang kapareha.

P a a l a m