Ang Pagkikita… Abangan…

Sino ba naman ang hindi umaasam,
Na ang huwaran sa Doha ay matagpuan;

Sana panawagan ni Babyluv ay mapakinggan,
Konting oras man lang sana ay mapagbigyan.

Halos taon na itong pinag-uusapan,
Unang bukas ng Chowking ay inabangan;

Ngunit hanggang ngayon wala pang kasagutan,
Sa pagkikitang parang lahat ay nag-aabang.

Pangakong wala na bang katuparan?
O sadyang kulang lang talaga ang ikot ng orasan;

Dahil ang pagkakataon ay 'di matagpuan,
Parehong abala sa kanya kanyang pinaglilingkuran.

At kung darating ang oras na napagkasunduan,
Ang isa ay nandun sa ating lupang sinilangan;

Kasama ng pamilyang inaalayan,
Nang pagsisikap dito sa Gitnang Silangan.

Alam kong darating 'din ang pagkakataon,
Na tayong dalawa’y magkakaharap doon;

Marami ang matutuwa sa ganoong sitwasyon,
Dahil ang ilang tanong ay mabibigyan ng solusyon.

Kung sino si Babyluv sa iyo sila’y nagtatanong,
Kung ako daw ba ay isang inspirasyon?

Bigla tuloy sa sarili’y napatanong,
Hindi ka ba natatakot sa pagkikitang napapanahon?

Wala kasi akong maihaharap na sa kanila’y kagandahan,
Kundi ang mabuting laman lang ng kalooban;

Ni walang masasabing naipong yaman,
Kundi ang tiwalang aking pinanghahawakan.

O baka sadyang ang inyong lingkod ay kinakabahan lang,
Dahil kumpara sa huwaran ako’y hinliliit niya lamang;

Kaya mga giliw kong tagasubaybay, ako po’y inyong samahan,
Pagkikita ni Kuya Kiko at Babyluv ay abangan!