Selos

SELOS isang napakaselang salita,
na binubuo ng limang letra;

Kapansin-pansin ang nasa gitna,
paganahin ang isip mong malaswa.


Magkabilang dulo'y parehas lang naman,
Simbulo ng 'di makabasag pinggan;

Ngunit kapag sumabog na ang nararamdaman,
Asahan mo at walang sasantuhin at uurungan.

Ang tao nga naman,
Kapag selos na ang pinag-uusapan;

Magkabilang taenga ang nakaabang,
Kung mag matyag ay parang timang.