Tanging Ikaw

Maraming tao ang nangangarap,
Na Pag-iibigan nila’y matupad;

Tulad ng sariwang hangin na nalalanghap,
Pakiramdam na parang nasa alapaap.

Minsan sa buhay ko’y 'di ko akalain,
Na sa akin siya ay darating;

Ibibigay ng Panginoon natin,
Pero ni minsan hindi ko siya hiniling.

Sadyang mapagbiro ang tadhana,
Nananahimik kong puso’y ginambala;

Ngunit bakit wala naman akong magawa,
Kundi magpatianod sa agos ng lawa.

Ang malungkot kong buhay,
Ay binigyan niya ng kulay;

Naihalintulad sa nalantang gulay,
Inalagaan kaya nabuhay.

Parang ako ay isang mutsatsa,
Sa mga pinapanood nating telenobela;

Nakaranas ng maraming problema,
Sa bandang huli ako’y naging bida.

Nang dahil sa isang taong bigay NIYA,
Buhay ko’y tuloy tuloy ang sigla;

Wala ng hahanapin pa,
Ako’y kuntento na sa piling niya.

Isang bagay lang ang hihilingin ko sa KANYA,
Sana sa akin ay huwag ng babawiin pa;

Dahil baka mawala ang aking hininga,
Puso ko’y sinisigaw ang pangalan niya.

Gusto kong ikaw ang aking makasama,
Maging hanggang sa kabilang buhay pa;

Tandaan mo lagi sa iyong alaala,
Tanging IKAW ang hiling ko sa KANYA…