Tula
Sa tuwing aking naaalala,
Ang kanta ni Sharon Cuneta;
Nangungulila sa aking sinta,
Hinahanap hanap pa rin kita.
Anumang pilit kong magsaya,
Sa isip ko’y laging naroon ka;
Dibdib ko ay patuloy sa pagkaba,
Mahal pa nga ba kita aking sinta?
At kahit nasaang dako ako,
Walang napapansing tulad mo;
Ano bang gayuma ang ginamit mo,
Bakit pag-ibig ko sa iyo ay napako?
Sabi nila hindi ka naman gwapo,
Mga mata ko daw siguro ay malabo;
Bakit puso ko’y tila pinana ni Kupido,
Tibok ng puso para sa iyo ay sinusunod nito.
Ang "ber" ngayon ay sumapit,
Pag-ibig na sa puso ay nakaukit;
Sa isipan ko’y nagsusumiksik,
Sana tayong dalawa’y tila nasa langit.
Ako’y iniwan mong nag-iisa,
Ni hindi inalam kung buhay pa;
Puso kong nagdadalamhati sa dusa,
Bukas sana sa paggising ay ligaya.
Sa Maykapal ay dinadalangin,
Pusong nangungulila ay dinggin;
Dumating kang hindi hiniling,
Sana magbalik ka sa aking piling.
Itong akda ko’y hango sa isang kanta,
Na nagbibigay sa akin ng iyong alaala;
Naaalala mo pa ba ang ating sumpaan,
Na tayo’y patuloy na magmamahalan.
Hanggang sa dulo ng walang hanggan…