Binalot ng Lumbay

notesnikiko.com Tula

Tula

Saan ka pupunta?
Tanong kong may pag-aalala,
Diyan lang sabi mo at gustong mapagisa.

Lumipas ang araw nang walang paramdam,
Tila 'sang taon na ang nagdaan;

Sa kakaisip, sa diwa ay nabanggit,
Ikaw pa kaya, sa akin ay magbabalik?

Bakit hindi sabihin sa akin?
Ang lungkot sa iyong mga mata;

Banggitin ang tunay na nadarama,
Baka sakaling ikaw'y guminhawa.

Ikaw ang nagsimula nito,
Ngayon gusto mong tapusin?

Ako ngayon'y litong lito,
Sobrang nasasaktan ang aking puso.

Ang pag-ibig ay isang ilusyon,
Na dapat ko nang kalimutan;

Ngunit may gumugulo dito sa aking isipan,
Ako nga ba'y minahal mo ng lubusan?

Tuluyan nang anino mo ay nawala,
Kahit bakas ng alaala ay nalimot na talaga;

Pag-ibig noon na sobrang tamis,
Ngayon naman'y napalitan ng pagtangis.

Binalot ng lumbay itong isipan,
Sa malayong lugar, tulala sa kawalan;

Nais ng puso ko'y magpahinga't pumikit,
Mawalan ng ramdam kahit na saglit.

Alam kong hindi ka na magbabalik,
Hindi na matitikman ang tamis ng iyong halik;

'Di na madarama ang yakap mong mahigpit,
Ngunit tuloy pa rin ang puso ko na isasambit,
Mahal kita kahit na walang kapalit.

Katangahan nga ba itong aking nadarama?
O pag-ibig na wagas na sa puso nagmumula;

Kahit na ilang ulit na masaktan,
Patuloy ang tibok kung kinakailangan.