Tula
Kung ako man'y hanggang ngayon'y hinuhusgahan,
Mga kasalanan ko'y hindi malimutan;
Wala na akong dapat pang ipangatwiran,
Sapagkat ginagalang ko ang inyong nararamdaman.
Ako'y humihingi ng pagpapatawad,
Buong kababaang loob na nakikiusap;
Baka sakaling buntong hininga ay malasap,
Para sa kinabukasang puno ng pangarap.
Alam kong hindi madali na magpatawad,
Sa isang katulad kong hinusgahang makasalanan;
Marahil sa iba'y balewala lamang,
Ngunit isang malaking bagay sa iilan.
Tanggapin nating hindi na maibabalik ang nakaraan,
Katulad ng ploterang may lamat na sa tagiliran;
Idikit mang muli at tuluyang pagtakpan,
Sugat sa loob ay palaging nariyan.
Ako'y patuloy na maghihintay,
Sa tamang panahon... mapapawi ang lumbay;
Kalooban'y hiling na magkaroon ng kapahingahan,
Sa bawat lungkot, nawa'y mapalitan ng kagalakan.
Sana ako ay mapatawad,
Baka ito na ang huling paglalahad;
Sakaling ito na ang aking wakas,
Hindi na muling makita ang bakas.
Baka ito na ang huling hantungan,
Ng buhay kong walang kapatawaran;
Patawad, muli't muli'y isasambit,
Kapatawaran ko nawa'y huwag ipagkait.
Paalam.