Sa Paghilum ng Sugat ni Eba't Adan

Tula Sa Paghilum ng Sugat ni Eba't Adan

Tula

Babaeng kinuha sa kanyang tadyang,
Nagbigay ng sugat sa lalaking nilalang;

Walang malay sa kanyang himbing,
Aliwalas na bungad sa kanyang pagkagising.

Mga mata nila'y nagkatitigan,
Lubhang namangha sa kanyang kahubaran;

Sino itong hubad na katotohanan?
Na mapungay ang mata sa kanyang harapan.

Ako si Eba

Udyok ng isip wari'y s'yang kapiling,
Sa hardin ng paraiso, pala'y magsisiping;

Ibayong saya ang dulot ng paglalambing,
Siyang tunay, na asawang maituturing.

Ano't may isang tinig mula sa kalayuan?
Itong babaeng sadyang makatuwiran;

Kainin mo ang bunga niyan,
Wika ng tinig na may pagyayabang.

Bunga ng pag-aalinlangan,
Ang babaeng ito'y nawala sa katinuan;

Tinungo ang punong may bunga nga naman,
Pinitas niya iyon na sa kanya ay tinuran.

Kapagdaka'y may kung anong kumislap sa isipan,
Dali dali sa lalaki ay patakbong ipinagmayabang;

Bunga ito ng unawa at katotohanan,
Kanin mo at mata'y mabubuksan.

Kahihiyan pala ang dulot ng pagkagat,
Sapagkat hubad na katawan sa kanila ay tumambad;

Halika at balat natin ay takpan,
Huwag ipangalandakan ang ating kahubaran.

Ngunit mula sa itaas ay may malakas na tinig,
LALAKI IKAW AY NASAAN AT SA AKIN AY MAKINIG;

Sa kubling sulok siya'y nakiramdam,
Makapangyarihang usal tumagos sa kaibuturan.

Tila isang sugat na walang kagalingan,
Nagmula sa pagkakamaling hindi napigilan;

Kasalanang sa halip ay puno ng kaligayahan,
Sa hardin ng paraiso sila ay lumisan.

Sa paghilum ng sugat na bunga ng kasalanan,
Patuloy ang inog ng mundong kinasadlakan;

Pag-asang sana ay gumaling nang tuluyan,
Mawala ang bahid ng sugat na nakamtan.

Sa hardin ng paraiso ay nais magbalik,
Pag-ibig Niya ay nakakasabik;

Ang Kanyang Anak ay may pangakong nasambit,
HALIKA AT SA AKIN AY LUMAPIT.

AKO ANG DAAN, KATOTOHANAN AT BUHAY,
ANOMANG SULIRANIN NA IYONG TAGLAY;
MANAHAN KA DITO SA AKING PILING,
AT IKAW AY AKING PAGPAPAHINGAHIN.


Tunay na sa kanyang ninuno ay nasambit,
Pagpapawalang bisa sa kasalanang nakamit;

Sumpang dalawang libong taon na ay pinunit,
Kalayaang tunay na nagmumula sa langit.

Sugat ay tuluyan nang hihilum,
Maging sa pag-iisip, kaluluwa'y titikom;

Pag-asang dulot ng bawat pagbangon,
Umagang kay sayang limutin ang kahapon.


The fall of man, or the fall, is a term used in Christianity to describe the transition of the first man and woman from a state of innocent obedience to God to a state of guilty disobedience. Although not named in the Bible, the doctrine of the fall comes from a biblical interpretation of Genesis Chapter 3. At first, Adam and Eve lived with God in the Garden of Eden, but the serpent tempted them into eating the fruit from the tree of knowledge of good and evil, which God had forbidden. After doing so, they became ashamed of their nakedness and God expelled them from the Garden to prevent them from eating from the tree of life and becoming immortal.