Balagtasan
Kayo ay aking inaanyayahang basahin ang aking inihandang
Ako si
Ako ay may natuklasan,
Ito palang aking kasintahan,
May dinadalang bata sa kanyang sinapupunan,
Ako ay lubhang nagugulumihanan.
Sa kinaumagahan,
Pagsasama namin ay nais wakasan,
Walang magaganap na kasalan,
'Pagkat ako'y kanyang pinagtaksilan.
Gabriel:
Jose , anak niDavid na mabuting tao,
Pakinggan mo ang sasabihin ko,
Itong siMaria na kasintahan mo,
Pagbubuntis niya'y mula saEspiritu .
Siya ay magsisilang ng sanggol,
AtHesus ang aking sinasabing,
Ipapangalan mo sa batang lalaki,
'Pagkat siya ang magliligtas sa kasalanan ng marami.
Jose:
Ako sa iyo ay susunod,
Mga sinabi mo'y tutuparin yaring lingkod,
SiMaria'y aayaing pakasal
Isasantabi ang aking dangal.
Ngunit
Ano itong aking nabalitaan?
Pagpapatala ay kailangan,
Itong siAugutus ay may panawagan,
Kailangang sundin ng bawat mamamayan.
Kung siMaria ay aking iiwanan,
Ano na lamang ang sasabihin ng sambayanan,
Mabuti pang ako'y kanyang samahan,
SaBethlehem ang aming patutunguhan.
Maria:
Mahal kongJose
Mukhang hindi ko na kakayanin,
Habang papalapit tayo sa bayan,
Lubhang sumasakit na ang aking tiyan.
Jose:
Huwag kang mag-alala mahal kongMaria ,
Hahanap ako ng matutuluyan muna,
Kahit sa ilalim lamang ng bahay nila,
Mailabas mo lang ang iyong dinadala.
Kiko:
Uha Uha ang iyak ng bata,
SiMaria ay nakapanganak na,
Sa sabsabang tinuluyan nila,
Sa silong ng bahay na may hayop pa.
Sadyang panahon ay itinadhana,
Pagsilang kayHesus ay sa anyong aba,
Upang kahit sino ay maabot Niya,
Siyang Hari na nagpakababa.
Ilang ulit mang basahin,
Angkwento ng pasko ay iisa lang din,
Isinilang ang batang magliligtas,
Para sa iyo at para sa akin,
Para sa kasalanan natin.
Salamat po sa iyong panahong basahin ang aking
Maligayang Pasko sa inyong lahat.