Panahon ng eleksyon, Kwento ni Tatay

READER'S DISCRETION IS ADVISED Reader's Discretion is Advised

Nais kong ipaliwanag na may mga tauhan o pangyayari na nahahawig sa katotohanan o sinasabi nating coincidence, ay pawang mga kathang isip lamang.

NOVEMBER 2009 Tay, tay, nandyan na ang kandidato nyo sa may plaza, mukhang magsasalita, kasi may mga naka set-up sa entablado, sabi ni Bong Bong sa kanyang ama. Ah ganun ba, anong oras daw ang programa? tanong ni Mang Rody. Mga isang oras mula ngayon tay, nagpapahinga pa yata kasi mahaba ang byahe papunta dito, paliwanag ni Bong Bong. Abay mag ayos na tayo at pumunta na tayo doon, pag-aaya ng ama. Leni, Leni, (tinawag ang asawa sa kusina) pupunta lamang kami ni Bong Bong sa plaza paroroon kami kay Manuel, magsasalita daw sa entablado, paalam ni Rody sa kanyang asawa. SA PLAZA
Magandang umaga po sa inyo, mga kababayan ko, ako po ay muling naririto upang kumustahin ang kalagayan ninyo at kasabay ng mga tulong sa pangkabuhayan ng ating lugar, aabot po ng apat na oras ang medical mission dyan sa may gawing kanan, sa mga nais pong magpakunsulta, libre po 'yan, may mga dala rin po kaming kaunting mga pagsasaluhan natin... Aba tatay napakabuti talaga ni Manuel sa ating bayan, pagtatanggol ni Bong Bong sa ama. Manang mana sa lolo nya yan anak, ganyan ang ugali ng kanyang lolo, may likas na paglilingkod sa kababayan, paliwanag ni Mang Rody. Sigurado ako tay, mananalo yan si Manuel sa susunod na eleksyon, pagbibida ni Bong Bong sa ama. Anak, para sa iyong kaalaman, ganito ang kalakaran sa bansa natin patungkol sa eleksyon... (naputol) paliwanag ni Mang Rody. Teka tay, punta muna tayo doon sa may mga pagkain, pipila muna ako doon sa may pinamimigay na naka box, aya ni Bong Bong.
Nanay Leni, nandito na po kami ni Tatay Rody! bati ni Bong Bong. Hoy lakas lakas ng boses mo, puna ni Ronald sa nakababatang kapatid. Ate Sara, may dala kaming pagkain galing plaza, mula kay Manuel, bida ni Bong Bong sa kanyang ate. Oh 'diba bawal yan, pigil ni Sara sa kapatid. Eh bigay naman 'yan eh, masamang tumanggi sa grasya noh, pagtatanggol ni Ronald kay Bong Bong. Parati kong sinasabi, tanggapin nyo, kasi galing din naman 'yan sa atin. Yung pinambibili ng boto, pera din 'yan ng taumbayan, tanggapin mo pero ang iboboto mo kung sino 'yung nasa konsyensa mo, kontra ni Nanay Leni. Alam nyo ok lang 'yan hindi pa naman campaign period, sabat ni Mang Rody. Oo nga tatay, eh 'diba nag file na ng Coc (Certificate of candidacy) si Manuel? tanong ni Sara. Ganito kasi 'yan mga anak, sa bansang Pilipinas, kung gusto mo tumakbo sa nais mong posisyon sa gobyerno, kailangan mong sumali sa partido na recognized ng comelec at magfile ng Coc para ipaalam sa ahensya na gusto mong kumandidato halimbawa si Manuel, pwede rin naman na independent party sa pagka Pangulo, pero ang pagfile ng Coc sa comelec ay hindi nangangahulugan na kandidato ka na agad, may kapangyarihan ang ahensya na ipawalang bisa ang Coc at hindi ka ideklarang opisyal na kandidato sa susunod na eleksyon, paliwanag ni Mang Rody. Ahhhh, sagot ng tatlo. Eh pano nga 'yan tay eh hindi pa pala kandidato si Manuel eh nangangampanya na? tanong ni Sara sa ama. Kaya nga sabi ko kanina 'diba ok lang 'yan, wala naman silang nilalabag na batas, ang hirap kasi sa ating mga Pilipino ang dami nating akala mo kegagaling sa mga batas, pero number 1 na mga hindi sumusunod sa batas... eh 'diba may kasabihang innocence of the law excuses no one, sabat ni Bong Bong. Hoy ayan ka na naman, kontra ni Ronald sa kapatid. Eh ikaw kuya ano ba alam mo sa batas? pangungutya ni Bong Bong sa kuya. Sus, sa panahon ngayon, sa teknolohiya, pwede mong mabasa sa internet ang mga batas sa pilipinas at mga kaukulang parusa sa mga lumalabag sa batas, kaya ako 'pag laki ko, gusto ko maging senador!, gagawa ako ng batas na isasama sa mga klase sa elementarya at high school ang basic law ng pilipinas para sa murang edad ng mga istudyante ay may alam na sila sa batas, para habang lumalaki sila ay nagiging law abiding citizen sila, katulong din nila ang kumunidad na mga barangay na gabayan din ang mga magulang sa pagmumulat ng batas ng pilipinas at mga kaukulang parusa, ng sa gayon, magiging maayos ang kumunidad, paliwanag ni Ronald. Eh di wow, sagot ni Sara Galing ni kuya ah, oo nga ano, kasi palagi kong napapanood sa tv, hinuli si ano, nakaposas na sa tv, tapos may kaso na, tapos makukulong daw, ka saklap, eh kung alam nya pala ang batas kahit basic, maiiwasan nyang makulong, paliwanag ni Bong Bong. Pero may abogado naman diba tay? tanong ni Sara Ayan nanay Leni mo nag aral ng Law yan, turo sa asawa ni Mang Rody. Oo, bawat pilipino ay may karapatan na magkaroon ng abogado, tugon ni Leni. Oo 'diba nay, may Miranda rights nga 'diba? tanong ni Bong Bong sa nanay. Ah oo Miranda Rights, yan yung naging desisyon sa U.S. Court case ng Miranda vs Arizona, paliwanag ni Leni. alam ko 'yan eh pero nakalimutan ko na. Nanay Leni, 'yung sinasabi ni Sara na abogado at sinasabi ni Bong Bong na Miranda rights ay magkaiba po, para hindi po maging magulo, sabat ni Ronald, ganito kasi 'yan, kaya ginawa ang Miranda rights o Miranda Warning na naging popular sa bawat nahuhuling lumalabag sa batas ay para ma-preserve ang ebedensya ng pangyayari at hindi magiging magulo pagdating ng trial, kasi ang tao kapag nasa interogation sya, pwede nyang sabihin lahat, kung ano-ano, kung kani kanino, kaya 'diba sa simula ng Miranda rights, you have the right to remain silent, you can refuse to answer any question, you have the right to consult an attorney, paliwanag ni Ronald. Eh layo na natin, nasa eleksyon topic natin eh, sabat ni Sara. ganto, pagtutuloy ni Mang Rody, abangan natin sa tv kung kailan idedeklara ang mga kandidato at nuisance. Mayroon nga bang koneksyon sa rome statute ang miranda rights kuya Ronald? tanong ni Bong Bing. Ano ba yung Rome Statute, sabat ni nanay Leni, naniniwala tayo na 'yung ating bansa umm parang, parang nagpapromise tayo, nagpapromise tayo naaa, ung human rights ah ay mahalaga, mahalaga para sa atin at tayo ay maga adhere doon at kung dumating ung pagkakataong may mapang abusong gobyerno na hindi, hindi pinapangalagaan ang ating human rights, meron tayong safety net, ang gusto kong sabihin sa safety net, kung hindi gumagana ung ating justice system para pangalagaan ito meron pa tayong pwedeng puntahan, ito 'yung gustong sabihin nito. Naku Bong Bong, masyadong kumplikado ipaliwanag 'yang Rome Statute, hindi basta kayang ipaliwanag ng isang talata at isang upuan lang, kailangan handa ang utak mo para maunawaan mo, paliwanag ni Ronald.
PRESENT DAY
tay tay, tara na, magparehistro na tayo, aya ni Bong Bong kay Mang Rody. Ah eh, nakatulala si Mang Rody. Tay, 2 eleksyon ka nang hindi bumoboto, ngayon ako naman ang boboto kasi 18 nko next month, bakit ba tay anong nangyari? tanong ni Bong Bong sa ama. Naalala ko lang yung time na pumunta tayo sa plaza sa kampanya ni Manuel Rojas noon, mula nang matalo sya, hindi nako bumoto, malungkot na kwento ni Mang Rody sa anak. Ah oo nga natatandaan ko 'yun, presidente ung kampanya nya tapos tumakbo syang vice president ni BAnoy tapos si JJ Bnay ang nanalo, tumakbo syang presidente noong 2016, pero natalo at tumakbo ulit ng senador noong 2019, pero natalo ulit, ala ala ni Bong Bong. Alam mo anak, nanghihinayang ako kay Manuel kasi matalino sya, may diskarte, napakagaling nyang cabinet member at senador noon pero nasira ang kanyang political career, panghihinayang ni Mang Rody. Nakakalungkot naman tay, sabi ni Bong Bong. Oo kaya ikaw anak, kung sakaling sa susunod na panahon, at gustuhin mong maging politiko, ingatan mo ang iyong pagkatao, maging lesson sa'yo ang nangyari sa political career ni Manuel Rojas, manindigan ka sa iyong prinsipyo at karakter, tumakbo ka para sa paglilingkod sa taumbayan, para sa bansa. Huwag kang papayag na diktahan kang baguhin ang iyong pagkatao dahil sa impluwensya, itayo mo ang iyong dignidad bilang isang tunay na Pilipino.
WAKAS Panahon ng eleksyon, Kwento niTatay