Wala Naman Talaga ‑ Tula ng Pag‑ibig

Tula

Wala naman talagang salita,
Ang pwedeng ibigay ng isip sa tuwina;
Sa bawat sandaling kapiling ka,
Hindi maipaliwanag ang lawak ng parirala.

Wala namang katumbas na salita,
Ang ligayang nadarama sa panahong kayakap ka;
Hindi maipaliwanag ang lukso ng tuwa,
Maniwala ka hindi ako nambobola.

Kahit na pumikit,
Ngiti mong malagkit;
Larawang sa puso dumikit,
Naaalala ka bawat saglit.

Walang paglagyan ang kaligayahan,
’Yan naman ang syang katotohanan;
Hindi kayang ikulong ng isang salita,
Ang totoong nararamdaman ko sinta.

Tanggapin na nating wala naman talaga,
Hindi pa naiimbento ang angkop na salita;
Tanging ang puso lang ang nakakaalam,
Kahit hindi naman napag-aralan.

Kahit na pumikit,
Ngiti mong malagkit;
Larawang sa puso dumikit,
Naaalala ka bawat saglit.

Nangingiti sa sulok 'pag nag-iisa,
Kapag naaalala ang 'yong pagsinta;
Malayo na ang nilakbay nitong diwa,
Ngunit wala namang masambit na salita.

Aaminin ko gusto kita,
Kung babalikan, mga naunang salita;
Hindi maipaliwanag ang nadarama kapag hindi ka nakikita,
Nasabi sa isip, nais kitang lubos na makilala.

Kaybilis ng panahon,
Kilalang kilala na kita ngayon;
Pag-ibig kong alay, Oo ang iyong tugon,
Kaligayahan ng puso ko'y binigyan mo ng pagkakataon.

Noon gusto kita, Ngayon iniibig na kita;
Hawak ko na iyong kamay,
Umaasang hindi maghihiwalay.

Kahit na pumikit,
Ngiti mong malagkit;
Larawang sa puso dumikit,
Naaalala ka bawat saglit.

Pagdating sa pag-ibig,
Walang matalinong mag-isip;
Marami nang sumubok at puso'y dumanas ng sakit,
Ngunit kaligayahang dulot nito'y walang kapalit.

Rosas