Hibik ng Payaso

Tula

Sa bawat sandali ng aking panahon,
Sa bawat ngiti na aking naipon;
Pusong sawi'y binigyan ng tugon,
Inalis sa isip ang pangit na kahapon.

Sinong magsasabing ako'y masaya,
Sa bawat ngiting iyong nakikita;
Tumingin ka lamang sa aking mga mata,
At huwag sa mandarayang maskara.

Sa haba ng aking pinagdaanan,
Parang agiw na pinangingilagan;
Dagling sumimbulat sa aking isipan,
Ang kahapong malaon nang kinalimutan.

Ala-alang tumatak sa aking puso,
Limutin man'y nakaukit na dito;
Salamat sa pag-ibig na inalay mo,
Salamat sa panahong inibig mo ako.

Hibik - o hikbi ay ang daing ng isang nilalang sa kanyang nararamdaman, naging angkop ang pamagat dahil sa salitang mandarayang maskara ng payaso.

Ano nga ba ang payaso?

Ang Payaso ay mga taong nagpapatawa. Halos lahat ng payaso ay nakakostyum para magmuka silang nakakatawa. Madalas ang mga ito ay nakikita sa mga handaang pambata o sa perya.

notesnikiko.com Payaso