Sanaysay
August 1993, habang naglalakad kami ni Tatay papunta sa sakayan ng tricycle sa kahabaan ng 10th Ave. papuntang 6th Street, Grace Park Caloocan, kinausap nya ako, plano nya daw mag file na ng early retirement sa age na 55, sabado noon kaya kasama niya akong pumasok sa warehouse ng SGC Ent. Corp. kung saan si Tatay ay Senior Checker at ako naman ay nangangapâ pa bilang ahente ng Motorcycle Spare Parts, keri naman, kasi Night Schooling naman ako noon sa AMA CLC Gotesco Grand Central, Computer Systems Designs and Programming ang layo hehehe pero enjoy naman maging ahente noon, kasi halos hindi pa uso ang Fax Machine noon kaya ako bilang ahente, kailangan kong pumunta sa Antipolo Rizal para kuhanin ang spareparts orders ng mga Motorcycle Spareparts Sellers sa lugar.
'Diba tay 'yan naman sabi ko sa iyo, ngayong ahente na ako at matatapos na rin sa AMA, enjoy mo na ang retirement mo, teka next month na pala 'yang 55th birthday mo. Saka ipakikilala ko pala sa inyo si Leny, ung pinupuntahan ko sa Wakat sa La Loma, ung nakilala ko noon sa St. Peter Life Plans sa Mayon, na inaplayan namin ni kuya Danny. Tumango lang sya, si tatay ganoon talaga bihira ngumiti, tatango lang, minsan tataas lang ang dalawang kilay sa pag sang-ayon.
December naiayos ang application ni tatay since 20 years in service naman na siya kaya mabilis lang sa SSS, ok naman sa upper management ang application ni tatay, may isang request lang si Boss, kung pwede daw next year na as in 56th na sya. Hindi na ako nagtanong, kasi magkukwento naman si tatay kung gusto nya.
January 1994, nabuntis si Leny, September 15, 1994 ipinanganak nya ang isang batang lalaki, Si Francis Conrad, panganay na apo, aba grabe ang tuwa ni tatay, feel ko 'yun syempre kahit hindi nya ipinahalata.
September 22,1995, 57th birthday ni tatay, doon ko sya totally nakitang ngumiti, nilapitan ko sya, binati ko, happy birthday paps, tuwang tuwa syang karga ang isang taong gulang na si con-con (Francis Conrad), habang buntis na naman ulit si Leny sa aming pangalawang anak na si Louise Faye. Ipinanganak ni Leny si Louise November 21, 1995, ipinanganak naman si Pedro Angelo noong September 2, 1997. September 22, 1997, hindi ko nakita ang ngiti ni tatay, malayo na kasi sila ni nanay, sa Negros na sila nakatira. August 8, 1998 lumipat kami sa Windsor Homes Area C Dasmariñas Cavite. Dito na nabuo sina Jose Daniel at Eirene sa Cavite.
Ngayon August 26, 2025, 22 years nang patay si tatay ngunit sariwa pa sa aking alaala ang aming mga pinagsamahan, noon hindi ko maunawaan kung bakit ganoon na lang kalaki ng impact ng ngiti ni tatay sa tuwing birthday nya, it's a mystery ika nga, pero ngayon habang tinatapos ko itong sanaysay na ito, sa 57 years ni tatay noon, hindi nya man naikwento ang lahat ng kanyang pinagdaanan sa buhay mula sa kanyang pagkabata sa Samar, ngayon, naiintindihan ko na kung bakit mas pinili nyang tahimik, nagbubulay bulay, mamalagi sa pagbabasa ng salita ng Diyos at katuruan ni Hesus sa Biblia.
Ngayon, hindi ako nalulungkot 'tay promise, kasi nakangiti din ako, kasi sa tuwing maalala kita, ung nngiti mo noong birthday mo ang unang nagreregister. Alam ko happy ka dyan paps. See you on the other side.
