Tula
Unang gabi nang mawala ka, at naiwan akong nag‑iisa;
Hindi alam kung paano na, dahil nasanay nang kasama ka.
Luha'y di mapatid-patid, saksi ang mga kapatid;
Sana ako'y makatawid, sa sakit na naging hatid.
Di makatulog dahil wala ka, hanap ka ng aking mga mata;
Balikat mo'y hanap sa tuwina, kailan kaya muling mayayakap ka?
Unang umagang wala ka, parang ayaw ng dumilat pa;
Sapagkat hindi ka makikita, wala ng sa aki'y babati pa.
Nasanay ng kape'y nagtitimpla, bago pumasok ay pakainin ka;
Babaunin mo'y maggagayak pa, susuutin mo'y ihahanda na.
Saba'y na umaalis sa umaga, ikaw ang naghahatid sa tuwina;
Sa pag-uwi'y ikaw pa din ang kasama, paano na ako ngayong wala ka?
Buhay ko'y biglang nag-iba, nawalan ng taong nagpapasaya;
Kalahati ng buhay ko'y dala niya, maghihintay na lang sa pagbabalik niya.
Hindi man bukas o ngayon, darating din ang panahon;
Umaasang mangyayari yon, sa tulong ng ating Panginoon.