Tula
Noong Pebrero 1, 2013, Labindalawang taon pa lamang si
Orihinal na Teksto (2013)
Dagling natigilan sa aking paghakbang,
Mula sa hanay ng pila na aking kinaroroonan;
Muling nanumbalik ang saglit na panahon,
Nang ako, dito sa paaralan ay unang tumuntong.
Anim na taon na rin pala ang nakalipas,
Masasayang pangyayaring hindi pinalampas;
Kaysayang gunitain ang mga ala-alang,
Minsan pa'y nakapagpapangiting talaga.
Nang mag-edad sampung taon,
Malaking pinagbago kaysa kahapon;
Social media, ang lakas ng naitulong,
Upang gumaan ang gawain sa buong maghapon.
Kahit na Facebook at Twitter ang pinagkakaabalahan,
Maging group texting ay pinatulan;
Hinding hindi pa rin napapabayaan,
Pag-aaral, ang priority na pinaninindigan.
Bilang panganay sa tatlong magkakapatid,
Nananatiling huwaran sa kanilang mga paslit;
Pagsisikap sa pag-aaral na minulat ng magulang,
Dala-dala ko hanggang ngayon sa aking paghakbang.
Nagulat ako sa kalabit mula sa likuran,
Pangalan ko na pala ang binanggit ng tinuran;
Ngiti sa aking labi ay pumailanglang,
Hakbang papalapit, sa intablado ay binilang.
Ang aking ina, sa akin ay nakatingin,
Tuwang tuwa siya sa kaniyang supling;
Sa suot kong puting toga,
Lutang na lutang ang aking ganda.
Paghakbang sa entablado ay naging marahan,
Taas noong ngiti at pagmamayabang;
Inay salamat po sa iyong pagmamahal,
Ito ako ngayon, may pangarap sa kinabukasan.
Iniabot sa akin ang nakarolyong papel,
Kamay ko'y iniabot ng aming prinsipal;
"Congratulation" ang kanyang ibinulong,
Salitang nagpaangat ng aking ambisyon.
Tumingin ako sa may gawing kanan,
Humarap sa kamera upang makuhanan;
Larawang magiging isang ala-ala,
Nang isang masayang bahagi ng aking pagkabata.
Hindi pa pala doon nagtatapos,
'Pagkat pangalan ko'y may karagdagang puntos;
Muli ako'y sinabitan ng gintong medalya,
Patak ng luha ko'y tumulo talaga.
Hinanap ko ang aking ina sa karamihan,
Nakita ko ring mga mata ay pinahiran;
"Binabati kita Anak" bulong ng kanyang diwa,
Ramdam ko sa aking puso nang siya ay makita.
Masigabong palakpakan,
Ang sa akin ay muling nagpamulat;
Diwa ko'y naglakbay sa kalawakan,
Tapos na pala ang palatuntunan.
Mahigpit na yakap kay inay,
Nang siya ay aking lapitan;
Pasasalamat na halik sa kanya ay inalay,
Graduate na ako, sigaw kong pagmamayabang.
Ako ay lubos na nagpapasalamat sa iyong liham sa akin na nanghihingi ng Tula para sa iyong Karanasan sa Elementarya at Pagtatapos. Hindi ko akalaing mayroon pa palang mga katulad mo na naniniwala sa kakayahan ko bilang isang manunula(t).
Dalangin ko ay magpatuloy ka sa pag-aaral at balang araw ay magkita tayo sa aking pagbabakasyon dyan sa atin sa Pilipinas.
Muli, Salamat. ~ Kuya Kiko
English Translation
I suddenly stopped in my stride,
From the line where I stood waiting;
A brief moment in time returned,
When I first stepped foot in this school.
Six years had already passed,
Joyful moments I never let slip away;
Worth remembering those memories,
That still bring a smile to my face.
When I turned ten years old,
A big change from yesterday;
Social media gave such great help,
Making the whole day’s tasks lighter.
Even though Facebook and Twitter kept me busy,
Even group texting I joined in;
I never neglected,
My studies – the priority I firmly upheld.
As the eldest of three siblings,
I remained a role model for the little ones;
The diligence in studying taught by my parents,
I still carry with me in every step I take.
I was startled by a tap from behind,
It was my name that had been called;
A smile spread across my lips,
I counted my steps toward the stage.
My mother was looking at me,
So proud of her child;
In my white toga,
My beauty truly stood out.
My walk to the stage was slow and steady,
Head held high with a proud smile;
Mom, thank you for your love,
This is me now, with dreams for the future.
They handed me the rolled-up paper,
Our principal shook my hand;
"Congratulations" he whispered,
Words that lifted my ambition higher.
I looked to the right side,
Faced the camera to be captured;
A photo that would become a memory,
Of one happy part of my childhood.
It didn’t end there,
Because my name earned extra points;
Once again I was draped with a gold medal,
Tears really fell from my eyes.
I searched for my mother in the crowd,
I saw her wiping her eyes too;
"Congratulations, my child" her spirit whispered,
I felt it in my heart the moment I saw her.
Loud applause,
Once again awakened me;
My spirit traveled through the universe,
The program was finally over.
A tight hug for Mom,
When I approached her;
I gave her a thankful kiss,
“I’m a graduate now!” I shouted proudly.
Line-by-Line Meaning & Analysis
Why It Matters in 2026
Sa panahon ngayon na maraming kabataan ang nawawala sa focus dahil sa social media at distractions, ang kwento ni Gabby ay patunay na maaaring gamitin ang teknolohiya bilang tulong, hindi hadlang, sa pag-aaral. Bilang panganay, ipinakita niya ang responsibilidad at disiplina na dinala niya hanggang sa pagiging Court Interpreter. Ang kanyang journey mula sa elementary stage hanggang sa korte ay nagpapaalala sa atin na ang mga maliit na hakbang noon ay nagiging malalaking tagumpay ngayon. Inspirasyon ito para sa mga estudyante na may pangarap, lalo na sa mga nasa public service at law.