Pahiram ng Ngiti, Pahiram ng Saya

Sa aking pag-iisa at pangungulila,
Tila kalungkutan'y pang habambuhay na;
Sa bawat malungkot na balita,
Katumbas nito'y patak ng luha.

Nawa'y dinggin itong aking hiling,
Ngiti at saya, ako'y pahiramin;
Kahit sandali'y ako'y paligayahin,
Maibsan itong lungkot ng damdamin.

Atensyong iyong ibibigay,
Makakaalis ng aking lumbay;
At sa sandaling tayo'y magkahiwalay,
Ang panahong iyong inialay magiging ala-ala ko habambuhay.

Salamat sa pagbisita kahit papaano'y nagkapanahon ka,
Hindi ka man magpakilala ramdam ko ang iyong presensya.