Tagong Halimuyak

Larawang kay gandang pagmasdan,
Ikinulong ng kwadradong sisidlan;
Palamuti'y napapaligiran,
Agaw pansin sa tunay na kagandahan.

Suriin mo't itoy buksan,
At lapitan itong kakaibang larawan;
Sa pinta'y mamamangha ng lubusan,
Magkahanay na kulay at walang puwang.

Sa likod ng iyong pag-iisip,
Ilong mo'y nangangalit;
'Pagkat amoy niya'y ipinagkait,
Halimuyak niya'y ikinubling walang bahid.

(as usual click the image to enlarge)
Nais kong magpasalamat kay brader Mon Cruz
sa larawan mula sa Katara - Doha, Qatar