Balagtasan ng Pag-ibig kasama ang ‘Hangin’

Balagtasan

Ang hangin kahit saan pwede pumunta
Pwede madama, at pwede mo makasama

Samantalang ako, nandito mag-isa habang iniisip ka
Sana hangin na lang ako, para sa mga oras na ito magkasama tayo
Kung ako si Bathala
Hindi ko pagbibigyang maging hangin ka

Sapagkat minsan ka nang humiling sa akin
Pero sinayang mo ang pagkakataon

Sinayang ang..
ang...
basta sinayang mo
Sa mga araw na naiisip ko
Mga sandaling sinayang ko

Pagmamahal na inalay mo
Parang mamamatay na ako

'Pagkat hindi ko napahalagahan
Pag-ibig mo na sa akin ay inilaan

Siguro nga'y nasaktan kita
Pero sa puso ko, ikaw lang ang nag-iisa
Ako ba ang iyong kausap?
O ang hangin na iyong hinahagilap

Ang pag-ibig na iyong pinalampas
Panghihinayang ngayon ang iyong binibigkas

Kung siya, hanggang ngayon sa iyong puso'y nag-iisa
Aba!, ang masasabi ko ay nahihibang ka na

Lumakad papalayo at huwag nang lilingon pa
Dahil masasaktan ka lang sa iyong inaakala
Alam ko naman na hindi na maibabalik
Mga pagmamahalang nakasasabik na dati ay kay lambing

Kaya kung pwede lang maging hangin, ay akin nalang nanaisin
Para lagi nalang kaming magkapiling
Hindi nga pupwede ang iyong hinihiling
Sapagkat kapag ikaw ay naging hangin

Hindi mo malalaman kung saan ka dadalhin
Mawawala ang iyong pakiramdam at iyong damdamin

Huwag nang ipagpilitan
Dahil ikaw lamang ay masasaktan

Sakit at hikbing iyong nararamdaman
Hinding hindi mo maliligtasan

Kapag ikaw ay naging hangin
Dobleng dusa ang iyong sasapitin

Pati ang hindi mo dapat marinig na usapin
Maririnig mo't mababasa, na masakit sa saloobin
Hindi ko pinagpipilitan na maging hangin
Kung 'yan ang iyong palagay hindi kita pipilitin

Malaya mong ipahayag ang iyong damdamin
Para ako'y iyong pangaralan

Pero salamat sa pambabasag mo
Ang ilusion pala ay hindi totoo
Ano ba ang pinagsasabi mo?
'Pagkat iba ang intindi ko

Nakakasabik na iyong sinabi
Hindi naman talaga pwede

At kung hindi ako pipilitin
Salamat sa iyong paglalambing
Bakit nais mong maging hangin?
At hindi sundin ang iyong damdamin

Mas magandang nailalabas mo ang saloobin
Upang lumuwag ang iyong damdamin

Kung nararamdaman mo'y totoo
Demokrasya ang bansang kinagisnan mo

Wala dapat humarang dito
Kahit na ilang batalyon pang sundalo

Minsan naisip ko ring maging hangin
Upang madama n'ya, bulong ng damdamin

Pero naisip ko baka kung saan ako dalhin
Kung ako man ay maging isang hangin
Kaibigan payo ko sayo'y pakinggan
Ang saya, hapdi at lungkot na nararamdaman

Minsan kusa na lang umaalis yan
At kung 'yan ay lumisan
Ibig sabihin, payapa na ang iyong kalooban

At kung ang sarili mo ma'y nasaktan
Sapat nang humingi ng tawad ng bukal sa kalooban

At kung s'ya naman ay hindi mo malimutan
bakit hindi mo ba kayang ipaglaban ang nararamdaman?
Pinaglalaban ko naman ang aking nararamdaman
Sadyang may balakid lang sa aking daanan

Na silang gumagawa ng paraan para 'di ako makadaan
Pero akin pa rin ipaglalaban

Kahit ilan pa ang humarang
Kahit sino at ano pa sila

Lalagpasan ko para lang sa kanya
Ipaglalaban ko ang pagmamahal ko

Kahit pa kapalit nito ang buhay ko
Dahil s'ya lang ang nilalaman ng aking puso

Walang sino man makakapagpabago
Nitong nararamdaman at tinitibok ng puso
Dahil nag-iisa lang s'ya sa buhay ko
Hindi ko s'ya ipagpapalit nang kahit na sino
Ganyan nga aking kaibigan
Pinakikita mong ika'y may paninindigan

Na alam mo na ang iyong patutunguhan
At ang gustong tahaking daan

Minsan ka nang bumitiw sa nararamdaman
At pinabayaang mawala ang taong nasa harapan

Tulad nang hangin na iyong ninais minsan
Nawala na lang ito at hindi mo na alam kung nasaan

Kaya ngayon kung anoman ang nararamdaman
Tama man o mali sa may karamihan

Siguro'y panahon na para ipaglaban
Huwag mong hayaang panahon pa ang lumisan

At ang tadhana ang patuloy kang talikuran
Dahil sa dami ng pagkakataong iyong pinabayaan

At mga tao at araw na hindi mo napahalagahan
Dahil ang panahon 'pag nagdaan
hindi mo na ito maaring balikan
Hinding hindi na balikan
Hindi na
notesnikiko.com Balagtasan