Pasyente

Sanaysay

Maswerte ka kung mula sa iyong pagkabata ay hindi ka pa nagkakasakit o nagkalagnat man lang. Ikaw na, oo ikaw na ang healthy ever. Bakit nga ba pasyente ang pamagat ng article ko ngayon? Napaisip ako sa status ko kagabi sa facebook tungkol sa answers, time and patience...eh nag focus ako much sa patient na word, na may double meaning, kaya pasyente…

Tanong?
Paano na kung ang isang guro ay magkaroon ng karamdaman?
Paano na kaya ang mga estudyante niyang umaasa sa kanilang matututunan sa eskwelahan?
Basahin dito ang tulang ginawa ko para sa mga guro.

Paano na kung ang isang magsasaka ay magkaroon ng sakit?
Kung maratay siya sa karamdaman dahil sa sobrang pagsasaka?
Paano na ang kanyang binubuhay na pamilya?
Ang mga pinapag-aral na mga anak?
Ang kanilang kabuhayan na tanging sa pagsasaka lamang nagmumula.
Basahin dito ang tulang ginawa ko para sa magsasaka.

Minsan sa parte ng buhay ko ay dumanas din ako ng isang matinding karamdaman, na inisip ko noon ay gunaw na ang aking mundo, nalusaw na ang aking mga pangarap, sa mga nakakakilala sa akin, lalong lalo na sa aking mga kaklase noong highschool at college alam nyo na 'yun, hindi ko pa rin nakalilimutan ang mga dumalaw sa akin, at kayo ang nag silbing inspirasyon sa akin para ako ay lumaban, para ako ay magsikap, syempre nandiyan ang aking mga magulang na tuwing gabi ay naririnig ko ang kanilang mga hikbi, iniiyakan nila ang kanilang anak ay nasa ganoong kalagayan.

Sa mga sandaling 'yun ay naramdaman ko at naranasan ko ang pagiging pasyente, pasyente na nagpapagaling ang aking pisikal na katawan, ang aking isip naman ay puno ng mga katanungan, puno ng pag-aalala, puno ng magugulong bagay...

Paano na kaya kung magkasakit din ang aking ina?
Paano na kung pati si itay ay magkasakit din?
Basahin dito ang tulang ginawa ko para sa aking ina.
Basahin dito ang sanaysay na ginawa ko para sa aking ama.

At naalala ko, oo totoo ito, nasa state pala ako of being patient, pasyente, sa positibong pag-iisip ay nasa panahon ng paghahanda at pag-iipon ng bagong lakas, para sa kinabukasang hamon ng buhay...

Pasyente sa pisikal na anyo, pag-iipon ng lakas ng pisikal na katawan para muling maging aktibo sa kinabukasan.

Pasyente sa mental na kalagayan, upang bigyan ang isipan ng pagkakataong huminga, lumaya ang isip sa mga problema at pagsubok na dulot ng pang-araw araw na buhay.

Mabuti na lang at may mga taong nakahandang, oras oras ay bisitahin ka sa iyong kalagayan, i-monitor ka kung handa ka na bang humarap sa kinabukasan, tulad na lang ng isang nurse sa pagamutan, na hindi nagsasawang ikaw ay bisitahin at bantayan, (hindi po dahil sa iyon ang kanilang trabaho kundi iyon ang kanilang dedikasyon sa propesyon kaya sila nagdesisyong maging isang nurse -naks!)
Basahin dito ang ginawa kong tula sa mga nurse.

At sa kahuli-hulihan ay nariyan din po ang mabubuting pari at pastor dahil sila ang binigyan ng Diyos ng kapamahalaan para magbahagi ng mabuting balita sa tao, maging normal ka man o nasa state of patient, oo pasyente.
Basahin dito ang ginawa kong tula sa mga pastor.

Oh paano po, hanggang dito na lang muna, salamat po sa muling pagbisita sa aking mga katha.