Huling Tawag ni Itay

'Nak musta ka na?
Okay lang ako papa, ikaw?
Mainit ngayon dito sa middle east, simula na ng summer, nagluto na ako ng madami kasi mamaya ay pupunta na kami sa gitna ng dagat, 'dun sa pinaka ilalim dahil may bagong langis kaming nasurvey, mga ilang araw din kami 'dun.
Mag ingat ka papa ha?
Oo naman, totoo bang na promote ka sa work mo sabi ng nanay mo?
Opo surprise nga sana eh inunahan ako ni nanay.
Alam kong kaya mo yan kasi masipag ka, ingatan mo ang trabaho mo dyan, at kapag wala kang pasok ay magpahinga ka, magsikap ka sa trabaho mo dahil yan ang turo ng Diyos, kasalanan ang maging tamad, isang malaking kasalanan sa isang magulang na hindi magtrabaho para sa kanyang mga anak hanggat kaya mo at mayroon kang pagkakataon. Utos 'yan ng Diyos, make it your ambition to work with your hands. Godly people are working people. At huwag magnanakaw, 'yung bagay na hindi mo pinaghirapan ay pagnanakaw 'yun.
Nakakahiya 'yung iba na hindi nagtatrabaho pero kain lang nang kain dahil kapag nagtrabaho ka, may pera ka at lagi mong tatandaan ito, huwag kang mandaraya sa trabaho, magsamantala o may halong kasinungalingan kasi hindi tama.
Opo
Kumusta na ang mga apo ko? lalong lalo na si concon, malaki na siguro siya, Mahalin mo ang mga anak mo, turuan mo sila ng tamang pag uugali, turuan mong maging masipag gaya mo, magkakaidad ka rin tulad ko kaya turuan mo sila ng wasto gaya ng pagpapalaki namin sa'yo ng nanay mo. O sige na mauubos na ang load ko. Ingat kayo 'dyan.
Papa Happy Fathers Day po
Tatawag ako pag ahon namin..... love you
Ingat papa.... love you

Alam kong nasa mabuting lugar ka na ngayon itay!
Nais kong malaman mo na sinunod ko lahat ng utos mo,
Mahal na mahal kita itay!