Katorse

Kuya bilisan mo gumagabi na oh,
teka lang
dali na kuya may date pa ako
oo naaa
Sa loob ng kotse
ikaw talaga kuya ang corny mo, valentines day ngayon tapos tayo nandito sa sementeryo
hoy Tin Tin, parang hindi mo parents ang nakalibing dito ah
eh pwede naman kasi kahapon tayo pumunta?
iba pa rin ang hearts day, ikaw naman minsan na nga lang tayo makadalaw dito kila mama at papa
oo na sorry ikaw naman kasi, bakit ayaw mo pang mag girlfriend
hay naku Tin Tin, pagtatapusin muna kita ng pag aaral
nahihiya tuloy ako sayo kuya, ako pinayagan mong mag boyfriend tapos ikaw 'tong nagpapaaral sa akin
alam mo Tin Tin, pinangako ko kay papa na hindi kita pababayaan at ibibigay ko ang kaligayahan mo
naks naman kuya naiiyak naman ako nyan teka madami ka namang magandang officemates ah bakit ayaw mong ligawan?
hay naku, pagkatapos mo na lang mag aral
kahit girlfriend lang naman kuya, kagaya ngayon valentines day wala kang ka date, teka tatawagan ko classmate ko baka pwede siya
hoy wag na, ikaw na lang, maglalaba pa ako ng damit natin
sumama ka na lang kaya sa amin kuya?
ano ako gagawin ninyong driver?
heheehehe
kuya, alam mo, mahal na mahal kita kasi eversince na iniwan tayo nila mama hindi mo ako pinabayaan

(nangiti inilabas ang roses at valentine card at ibinigay kay Tin Tin)
naks naman kuya 14 years mo na akong binibigyan ng ganito
yes i love you Tin Tin, basta pagbutihin mo ang pag aaral mo
yes kuya i love you too, ito oh ginawan kita ng handmade na valentines card, kagaya ng dati, tuwing galing tayo kila mama nagbibigayan tayo ng gift, sana kuya makahanap ka na ng mamahalin mo para next valentines day may ka date ka na
yaan mo Tin Tin, matagal pa naman un…
i love you kuya (niyakap ang kuya)
(niyakap ang kapatid), i love you Tin Tin

Ang pag ibig sa araw ng mga puso ay hindi lamang sa mga magkasintahan kundi sa nagmamahalang magkakapatid, habang nakaupo ako kaninang umaga at nag aalmusal ay naisip kong gumawa ng isang maikling kwento tungkol sa pagmamahalan ng magkapatid, at habang tina type ko ito kanina ay hindi ko mapigilang umiyak dahil sabik ako sa pagmamahal ng isang kapatid, dahil nag-iisa akong anak, lalo pa ngayong malayo ako sa aking pamilya.

Ngayong araw ng mga puso, sana yakapin mo ang iyong kapatid at sabihing mahal na mahal mo siya, dahil maswerte ka at may kapatid ka, minsan lang naman 'toh eh, sige na.

Happy Hearts day from kuya kiko ♡

Brother and Sister: A loving embrace for a loved one lost.
Photo by © Kellogg Gal on flickr®