Ikaw at ang Iyong alagang Aso

Ang mga tula ko'y kailangan mong basahin nang minsan,
At paganahin ang iyong mapaglarong isipan;
Dahil ikaw ay siguradong mahihiwagaan,
Sa kakaibang nakatago nitong laman…

Ako ay nahihiwagaan talaga,
Sa taglay ng aso mong alaga;
Sa lalim ng aking pag-iisip,
Namulat ako sa pagkakapikit.

Kahit anong lahing pinagmulan,
Bakit ikaw ay naiintindihan?
Umupo, tumayo o humiga man,
Sinusunod ka niyang daglian.

Nakukuha mo ba ang ibig kong sabihin?
O kailangan mong intindihin;
Ang hiwagang bumabalot sa iyong sasabihin,
I-utos mo sa kanya at ikaw ay susundin.

Hayup man kung siya ay ituring,
Handa kang ipagtanggol at mahalin;
Pag-ibig na sa kanya inilaan,
Sa sakuna, hindi ka pababayaan.

Ikaw at Ang Iyong Alagang Aso. Bow!