Tula para kay Shamcey Supsup

ctto GMANews.tv

Sino nga ba itong si Shamcey
Tanong ng nakararami
Parang iba'y hindi keri
Ang sagot niya sa MissUni(verse)

Ang nanalo nga'y taga Angola
Hinusgahan ng iba'y Magandang Negra
At saka ito pang isa, ito raw si Miss Colombia
Hindi raw nagsusuot ng sapin sa puerta.

Balik tayo kay Shamcey
Na loves na loves ng marami
At pati si Ophra Winfrey
Ay nagbigay ng kanyang Compli(ments).('di naman daw true)

Kung ako ang tatanungin
Iyon din ang sasagutin
Dahil sa tamang damdamin
Ang Diyos ang dapat unahin.

Marami ang tumaas ang kilay
Nakalimutang bigla ang takbo ng buhay
Sumakay sa issue't binigyan ng kulay
Pati larawan ni Aleng Dionisia'y idinamay.

Aleng Dionisia a.k.a. Miss Angola
ctto Facebook

Pinagtalunan ang Relihiyon!

Makatang Kiko…
Bakit nga ba ang dami nila?
Sa Relihiyon ay nagpapakadalubhasa
Samantalang simple lang naman ang ideya
Ang magmahal ka ng iyong kapwa
Unahin lamang ang Amang Lumikha.

Sino ang dapat pakinggan?
Anong Relihiyon ang dapat paniwalaan?
Hindi ba dapat nating pag-isipan
Ala-ala ng nakaraan.

Mga ala-alang dapat tandaan
Sapagkat ito ang iyong tunay na katauhan
Kung ang katauhan mo'y mawala ng tuluyan
Respeto sa sarili'y mawawala rin ng lubusan.


Makatang Kiko…
Maghunos dili kayo mga kaibigan
Relihiyon ay hindi dapat pagtalunan
Pag-ibig sana sa atin ay mamagitan
'Pagkat iyan ang Kanyang Kalooban.

Huwag po nating kalimutan sana
Ang ugaling pagpapakumbaba
Ito ang magbubukas ng iyong diwa
Magiging tanglaw ng iyong kaluluwa.

At kung sakaling iba ng iyong paniniwala
Ang tula kong ito'y taliwas sa iyong akala
Hindi kita pipiliting maniwala
Igagalang ko ang iyong panukala.

Ito lamang ang ating tandaan
Huwag sana nating kalilimutan
Pag-ibig na itinuro ng ating sinapiang samahan
Maging tanglaw sa ating mga pananambitan.


Makatang Kiko…
Nakakatawang magbasa
ng mga kumento nila
Batuhan ng bersikulo
Akala mo dalubhasa.

Ako ay inyong pakinggan
Ang lahat ng inyong pinagbabasihan
Ay puro translation lamang
Lawakan ang inyong isipan
Paganahin ang napag-aralan
Maging Luma o Bagong Tipan
O ang iginagalang na Kuran
Hindi tayo ang dapat magbangayan
Sa mga pagkakamali ng kanilang kasulatan.

Nawa'y suma-inyo ang kapayapaan
at kapanatagan ng kalooban
Pagpapakumbaba sa isa't isa'y kailangan
Upang ang minimithing katahimikan
Ay makamtan ng sanglibutan.

Note: Ang tulang nabasa ninyo sa itaas ay on-the-spot kong ginawa habang nagco-comment sa kanila. Sept. 14, 2011 - 10:00 a.m. Qatar Time

Sa mga nag like salamat ng marami
Isusumbong ko kayo kay Manny
Pinagtatawanan ninyo kanyang Mommy
Close pa naman kami. Lolz