isang gabi sa piling mo inay

ang isang gabi sa piling mo inay ay isang maikling sanaysay na kung saan, nagkaroon ng pag-uusap ang anak at ina… at naghahamon ng iyong imahinasyon…






kumusta ka na anak?, tanong ni inay, tila parang may pag-aalala ang kanyang tinig habang nakatitig siya sa akin



halos isang taon na rin kaming hindi nagkikita ni inay mula nang ako'y kanyang iniwan at nagpunta sa malayong lugar



anak…



malaki na ang pinayat mo…



huwag mo sanang pabayaan ang iyong kalusugan…



alam ko, na alam mo kung ano ang tamang pagkain at nutrisyon na kailangan ng iyong katawan



anak…



maaaring ito na ang huli kong dalaw sa iyo…



kung anuman ang nilalaman ng iyong damdamin anak…



kung anuman ang bumabagabag sa iyong isip at puso anak…



alam ko, kaya mo 'yan, malaki ang tiwala ko sa iyo anak…



at alam kong malaki ang pananampalataya mo sa DIYOS…



hinding hindi ka NIYA pababayaan anak…



kahit na mawala na sa iyo lahat ng bagay…



kahit na sa iniisip mo ay punong-puno ka ng ng problema



hinding hindi ka pababayaan ng DIYOS anak…



ang biyaya ng DIYOS ay napakaDakila at walang hanggan



at karapatdapat natin SIYANG pasalamatan sa bawat bagong buhay na ibinibigay NIYA sa bawat umaga…



anak, mahal na mahal kita.



hindi dito natatapos ang iyong kapalaran…



bata ka pa anak…



marami ka pang mararanasang masasayang bagay sa buhay…



kaya…



dapat maging masigla ka anak…



maging mapagpasalamat at maging masayahin…



sapagkat nariyan ang DIYOS anak…



na palaging nagbibigay ng iyong mga pangangailangan…



maaaring hindi mo napapansin, ngunit palagi SIYANG nakatingin sa iyo



manalig ka anak…



huwag kang susuko anak…



laban anak…



laban…







inay…



inay…



unti-unting pumatak ang aking luha habang ninanamnam ko ang mga salitang binanggit ni inay…



alam ko, bilang isang ina ay nararamdaman mo ang aking dinadamdam…



mahal na mahal kita inay…



sana hindi pa ito ang huling pagdalaw mo inay…



sana inay…



bumalik ka…



mamaya ulit…