Amity Behind Sorrow

Ako po ay nakikidalamhati at nakikiramay sa mga empleyado, sa mga umaasa at tumatangkilik sa kanila alinsunod sa pagkansela ng Franchise Renewal ng ABS-CBN.

Bilang isang Pilipino at OFW, minsan naranasan ko ring mawalan ng trabaho noong ako ay pumasok sa isang Media Company sa Qatar, nakalulungkot na mawalan ng Advertisers hanggang sa tuluyang magsara ang kumpanya dahil sa kulang na sa pondo at umabot pa sa puntong hindi na rin kami nakaswesweldo.

Ngunit madaming katangian tayong mga Pilipino at dalawa rito ay likas na sa atin.

  1. Courage (lakas ng loob) na marunong bumangon sa tuwing nadadapa. Courage is not the absence of fear but to overcome fear. Nandyan ang takot pero may lakas ng loob tayo para mapagtagumpayan ang laban ng buhay.
  2. Adapt to Change, marunong tayong mga Pilipino na sumakay sa agos ng buhay, isang katunayan nito ay ang pagtanggap natin sa ECG, GCQ at New Normal. Tanggapin natin na hindi na tayo babalik sa Normal at iyan ang katotohanan, dahil may New Normal na. Maaaring ang iba ay hindi nakasusunod sa balita o hindi naiintindihan ang malalim nitong kahulugan ngunit ang pagtanggap sa katotohanan ang siyang magpapalaya sa atin. Walang Forever, the only constant is Change, it's either you adapt to it or be stagnant.

Tungkol sa usaping legal ng ABS-CBN, sa aking palagay, tanging ang may alam sa batas ang makapagpapatunay kung sila man ay nakagawa ng paglabag, expertise nila 'yun, hayaan na natin silang mambabatas, kung may paglabag, kasuhan at panagutin.

Sa mga nagtatrabaho, artista, producer, talent sa ABS-CBN, Pilipino tayo mga 'tol, mayroon tayong courage at willingness to adapt change, tanungin po sana ninyo ang inyong Human Resources Department kung anong plataporma nila sa mga pangyayaring ganito. Tandaan na hindi lingid sa kanila ang Franchise Expiration noong May 5 which is two months ago at bilang isang malaking kumpanya, imposibleng 2018, 2019 ay hindi nila alam o nahinuha ang kahihinatnan nito. It is imperative to accept the fact that one of their contingency plan is blaming the government. There is a big difference between the Culture of Blame and Culture of Responsibility.

Let us Pray

Lord, make me an instrument of your peace.
Where there is hatred, let me bring love.
Where there is offence, let me bring pardon.
Where there is discord, let me bring union.
Where there is error, let me bring truth.
Where there is doubt, let me bring faith.
Where there is despair, let me bring hope.
Where there is darkness, let me bring your light.
Where there is sadness, let me bring joy.
O Master, let me not seek as much
to be consoled as to console,
to be understood as to understand,
to be loved as to love,
for it is in giving that one receives,
it is in self-forgetting that one finds,
it is in pardoning that one is pardoned,
it is in dying that one is raised to eternal life. - St. Francis of Assisi

God, grant me the serenity to accept the things I cannot change,
courage to change the things I can,
and wisdom to know the difference. - Reinhold Niebuhr

It's in Jesus Name we Pray
Amen.