sayang | maikling sanaysay

kapag umalis ang kaibigan mo at feeling mo iniwan ka sa ere, tanungin mo muna kung ano ang problema bago ka manghusga, kasi baka hindi siya ang taong dapat mong makasama, o kaya naman hindi magiging epektibo ang plano ninyong gagawin kung kayo ang magkasama, o baka may mas malalim na problema na dapat ikaw na mismong kaibigan niya ang unang unang dapat na umintindi at umunawa, na nariyan para maging sandigan niya,…

nakakapanghinayang ang pagkakaibigan kung sa mga bagay na pwede namang pag-usapan ay nauuwi sa siraan at traydoran at minsan pa, hahantong sa kahihiyan na hanggang sa mawasak ang pagkatao, mandamay ng ibang tao, para sa ano? para saan? wala lang? trip lang?

sayang…