Love Bus - Book 1

Love Bus

Ang Love Bus ay pinagsama-samang character ng mga nakasalamuha ko noon sa Pilipinas, iba't ibang anyo at pananaw ng bawat isa sa pag-ibig, mga lugar at pangyayari na may katotohanan at imahenasyon.

Minarapat kong gamitin ang Franz na character sa kwentong ito upang lalong ganahan ang mambabasa kung sino nga ba ako bilang si Franz sa istorya, gayunpaman ang mga tao at pangyayari ay iningatan kong maging makatotohanan kahit ito ay kathang isip lamang.

Muli nating tunghayan ang Kwento ng Pag-ibig ni Brenda, samahan ninyo ako at sumakay tayo sa Love Bus.

Unang Bahagi

Madami dami na rin ang aking naisulat, tambak na ang mga papel sa kama ko at hindi ko na alam kung saan sisimulan ang istorya ng pag ibig mo. Ilang beses ko nang naitanong sa sarili ko kung bakit ba ako pa ang napili mong mag kwento ng love story mo eh pwede namang ikaw, pero alam mo, nagpapasalamat ako sa'yo kasi dahil sa'yo nahasa ang isip ko gumawa ng mga tula at mga kwento ng pag-ibig, dahil sa istorya mo kaya ako patuloy na umiibig at nagmamahal at dahil sa'yo kaya ko ginagawa ang kwento ng pag-ibig mo na nabuo sa Love Bus.

Marami ang nangliligaw sa'yo noon, hindi ka lang kasi maganda, Smart ka pa, kaya angat ka sa iba

February 27, 2007

Nagtext ka sa akin (naalala ko pa noon na Sun Cellular ang gamit natin kasi call & text unlimited 24/7) excited ka kasi may ka-date ka sa Starbucks Greenbelt1, matagal mo na s'yang hindi nakikita, siguro ang gwapo gwapo nya text mo pa sa akin, (ayan ka na naman sa gwapo)

Pagkatapos ninyong mag Starbucks, kumain pa kayo sa KFC, kulit mo rin kasi, tulog na ako n'un pero panay pa rin ang text mo. haha

bru:
Wafu p rin sya, fafabol & oozing w sex appeal

franz:
Hoy bruha, phtid k n lng s knya sleep na me

bru:
franz - ngla2kd kmi now s mkati how sweet!

bru:
franz - d2 na kmi bus, khit s sde view wafu tlg nya

(hayzz buti naman at tumigil na kakatext)


Ring Ring
Tumawag si Brenda ka Franz

Hoy gising Franz, dito na ako sa bahay, hinatid nya ako kanina, alam mo ba, kanina sa bus nakaidlip ako, inihilig ko ang ulo ko sa balikat nya, haaaaayyy
huy 'wag kang tumili
ang bango n'ya promise, tapos lakas ng tibok ng puso ko, para akong aatakihin sa puso, huy Franz gising ka pa? huy?
Ha? sige kwento ka lang, okay lang ako
tapos nung bumaba kami ng bus, hinawakan n'ya ang kamay ko haaaayyy
huy, sabi nang 'wag kang tumili, hating gabi na!
ang tigas ng kamay n'ya, parang feel ko protected ako 'pag kasama ko s'ya,
ang cheap naman ng ka-date mo, pinaglakad ka at pinasakay sa bus, wala ba syang car?
hoy hindi noh, sabi ko sa kanya 'wag s'yang magdala ng car, tsaka hindi ba romantic kapag naglalakad kayo, madami kayong mapag-uusapan? In love na ako sa kanya Franz
Huh!, maligo ka nga! kulang lang yan sa ligo, tulog na ako may pasok pa ako bukas.
s'ya na kaya ang ideal man ko?
hay naku, Brenda, "If you want an ideal man, you have to be your ideal self" kahit gusto mo sya, kailangan cool ka lang, dapat hard to get
eh, pano kung mawala ang pagtingin n'ya sa akin, ung loyalty n'ya kasi pa hard to get ako?
alam mo ang tunay na loyalty ay 'yong maging loyal ka sa puso mo, naku kung sa physical ka titingin at isip ang gagamitin mo nasa sa 'yo yan, makapangyarihan ang puso, napakaliit na bahagi ng katawan ng tao pero walang hanggan at sukatan ang kakayahan nitong magmahal
ang gawin mo magdasal ka, hilingin mo sa Diyos na sya na nga ang para sa iyo
sige na good night