Tula: Hawak Kamay

Minsan sa dalampasigan tayo ay naghahabulan,
Pagdapa sa buhanginan kamay mo ay aking hinawakan;
Upang ikaw ay alalayan para maglakad sa may gilid ng pangpang,
Muli nating sariwain ang ating pagmamahalan.

Kaysarap langhapin amoy ng karagatan,
Habang mga kamay natin'y ating idinuduyan;
Sabay aawitin mga kantang nasa isipan,
Ating paglalambingan aking sisimulan.

At pagtakip silim ikaw ay aking aayain,
Mauupo sa patag na buhangin;
Isusulat ang mga katagang ika'y Mahal sa akin,
Kamay'y hindi bibitiwan bagkus pipisilin.

At kung ang iyong mukha ay ilapit sa akin,
Tamis ng halik mo ay aking dadamhin;
Magpapaubaya at hindi ka pipigilin,
Hanggang sa mahiga sa tuyong buhangin.

Ating antayin ang paglabas ng buwan,
Alapaap ay mamasdan na tila walang pakialam;
Sa sandaling mata nati'y nagkatitigan,
Lumapit ka, ikaw'y aking bubulungan.

Sasabihin sa iyo aking nararamdaman,
Ang kapiling ka ngayon lubos na kaligayahan;
Ang mga susunod kong sasabihin,
Hindi na pwedeng sa tula ay banggitin.

'Pagkat ang makakabasa ay baka kiligin,
Halika at umakap sa akin...