Paramnesia

Pagibig na sadyang manhid,
Magmahal man ng paulit-ulit;
Sama ng loob at paghihinagpis,
Luha ang parating kapalit.

Kahit na ilang beses na nagdusa,
Hindi pa rin mawawalan ng pag-asa;
Puso kahit na sa luha ay nabasà,
Nagnanais na muling lumigaya.

Bagong anyo,
Bagong kwento;
Tibok ng puso,
Iisa ang ritmo.

Kisap ng mata,
Ngiting masaya;
Nakalimutan na nga ba,
Ang kahapong luha?

Déjà vu ay 'wag naman sana,
'Pagkat ngayon, gusto ko nang lumigaya;
Mahal nya ako at mahal ko rin siya,
Kami'y pinagtagpo ng mahiwagang tadhana.