Listahan

May kanya kanya tayong listahan maiksi man o may kahabaan,
Listahan ng ating ginagampanan o kaya naman'y sa lugar na pupuntahan;
Tiyak na hindi makakalimutan kung naisulat sa listahan,
Ang mga nais bilhin 'pag pumunta sa tindahan.

Ako ay may inihandang listahan,
Mahabang panahon kong pinaghandaan;
Upang mambabasa ko ay gabayan,
Hindi para saktan ang kanilang kalooban.

Ang listahan sa ibaba,
Nangalan ng mga namayapa;
Na iniwan ang kanilang pamilya,
Upang magtrabaho sa ibang bansa.

Habang inyong binabasa,
Nawa'y inyong maalala;
Ang hirap na dinanas nila,
Pati na ang kani-kanilang pamilya.

Sa pagpatak ng iyong luha at hikbi ng pagkaulila,
Tayo na nangingibang bansa mahalin natin ang ating pamilya;
Dahil sa panahong tayo'y mahimlay na at mapabilang sa listahan sa ibaba,
Tanging masasayang ala-ala sana ang iwanan natin sa ating pamilya.

Kung ikaw man ay nalungkot,
Hindi ko sinasadyang manakot;
Nawa'y sa listahan ko'y may mapulot,
Pagmamahal sa pamilya'y 'wag ipagdamot.

List of Deceased OFW (incomplete)

Flor Contemplacion - sentenced to death tru hanging
Jenifer Bedoya - beheaded in Saudi Arabia
Juana Tejada - died of cancer
Emmanuel "Bong" Madrigal and daughter Regina Mia - killed in China
Marlon Cueva - committed suicide inside the plane bound for Manila
Haydie de la Calzada - committed suicide by jumping from the 8-floor of her employer's condominium Lebanon
Mark Lloyd Carmen - killed in Kish Island stabbed with metal nail polisher
• U.S. Marine Corporal Dave Michael Maliksi Santos - stabbed to death by his fellow Marine in Afghanistan
• Army Private First Class JR Salvacion - killed in a bomb blast in Afghanistan
Norbert Malana Hobayan - a carpenter was killed in a mortar attack at a military camp in Afghanistan

OFW - killed in a plane crash Near Kabul Afghanistan

• Pilot Henry Bulos
• co-Pilot Rene Badilla
Nilo Medina Crew
Ibelo Valbuena Crew
Mr Castillo Crew
Mr. Padora Crew

Norhaisa Nasa Andao - stabbed to death by Egyptian husband
Asria Samad Abdul - tortured to death by an Egyptian couple
Maricar Cente - died in a hotel fire in Iraq
Grace Fabian - killed in the earthquake in Haiti
Romelyn Eroy Ibanez - died of acid burning and stab wounds in the Kingdom of Saudi Arabia
Leovina Tolentino - killed after being hit by a minivan along Dufferin Street, south of Eglinton Canada, she was a carwash attendant
• Geodetic Engineer Hilario Cellero Fudalan - killed in a Qatar landslide
• at iba pang Joselito Zapanta at Jakatia Pawa na nakapila sa Death Row


Sa pagdiriwang ng araw ng mga patay,
Ako po ay lubos na nakikiramay;
Sa mga naulilang asawa at panganay,
Nawa'y sa tula kong ito, maibsan ang inyong lumbay.

Dalangin ko sa Diyos na Makapangyarihan,
Ang mga OFW sana'y magkaroon ng sariling himlayan;
Himlayang iba sa pangkaraniwan,
Himlayan ng makabagong bayani ng kasalukuyan.

Nakikiramay po,
Francis