Kahit wala ka na

Ilang Paskong pinagsamahan, mga lugar na pinuntahan,
Kabi-kabilang handaan, taon taon inaabangan.

Ngunit ngayong Pasko, maraming pagbabago,
Magmula nang magkalayo, Pasko ay naging ordinaryo.

Kahit wala ka na, pipiliting magsaya,
Pupunta sa handaang mag-isa;
Magdadahilan, bakit hindi ka kasama.

Bakas na iyong iniwanan,
Ala-ala tuwing Pasko ay daraan.

Minsan mahirap paniwalaan,
Ngunit ang pag-ibig ay sadyang ganyan.

Kahit wala ka na at hindi na muling magkikita;
Minsan ang Pasko ko'y iyong pinasaya at mananatili sa aking ala-ala.